Paalam, Melody Gersbach...


Magdamagang binantayan ng pamilya at mga kaibigan ni Melody Gersbach ang kanyang mga labi.

Sa simpleng eulogy, isa-isa silang nagpaalam sa dating Binibining Pilipinas International.

Binalikan ni Miss Universe 4th runner-up Venus Raj ang mga alaala ng kaibigan na siyang nagtulak sa kanya na ituloy ang parangarap.

Hindi naman mabitawan ni Tel Mistal ang pulang bag na bigay ng bestfriend niyang si Melody.

Pero pinakamatinding nasaktan sa trahedya ay ang mga magulang ni Melody.

Bandang alas-9 ng umaga idinaos ang requiem mass para sa dalaga.

Nakiisa sa pagdadalamhati ang ilang beauty queens.

Nag-alay ng bulaklak at nagpakawala sila ng puti at asul na lobo, simbolo ng pamamaalam.

Muling bumuhos ang mga luha bago inilibing ang mga labi ni Melody.

Nalagasan man daw ng isang miyembro ang pamilya, nagkaroon naman ng isang anghel na gagabay sa kanila habambuhay. – Gracie Rutao, Patrol ng Pilipino, Pampanga

08/28/2010 10:14 PMBookmark and Share

1 comment

bye melody

we will miss you...

saro kang tunay na oragon!

practice makes perfect, but nobody's perfect... so why practice? duh?!