Cast ng ‘Glee’ pinuri si Charice


Dumalo ang mga malalaking artista sa telebisyon tulad ng mga bituin ng isa sa pinakasikat na programa sa telebisyon - ang "Glee". Pero natalo ang “Glee” ng “Modern Family,” isang show na di gaanong mataas ang ratings pero popular sa mga kritiko.

Sa pangatlong pagkakataon, nanalo naman sa best drama series ang "Mad Men".

Karamihan sa mga artistang nanalo, gaya nina Jane Lynch ng "Glee" at Archie Panjabi ng "The Good Wife" ay mga first-time Emmy winners. Kasama nilang nagkamit ng tropeyo ang mga beteranong artistang sina Edie Falco at Kyra Sedgwick.

Tumanggap naman ng Bob Hope Humanitarian Award si George Clooney. Dumalo rin si Tom Hanks. Nanalo ang World War 2 drama "The Pacific" bilang best mini-series na pin-produce nina Hanks at Steven Spielberg.

Bagama't natalo ang kanilang show, pinaka-in demand pa rin sa mga press ang "Glee" cast.

Pinuri din ng cast ang bagong kasama nila sa show na si Charice.

"She's great. Everyone knows she can sing, sing, sing. And people forget that outside of her being able to sing, she's an incredible performer. She loves to dance. It's a little funny talking to her because we talk about dance and she always shows me her moves," ani Harry Shum, Jr.

"Oh, Charice - she's amazing, we've done a couple of scenes together. She's adorable, I don't know how a big voice like that can come out of such a little girl," ani Jenna Ushkowitz.

"She's so sweet. I love Charice. She has an amazing, amazing voice," ani Amber Riley.

Noong isang linggo, sa Creative Arts Emmys, nanalo ang Filipino animator na si Joe Mateo para sa show niya sa Disney - ang "Prep & Landing".

At sa mga ganitong awards ceremonies, patok din ang Pinoy designers gaya ni Monique Lhuillier. Suot ng best actress winner na si Kyra Sedwick ang kanyang dinesenyong damit.

Isa rin sa mga nakasuot ng damit ni Monique ay ang asawa ng isa pang "Glee" actor na si Mike O'Malley.

"She's just so exquisitely talented. She makes these wonderful dresses, its classic," ani Lisa O’Malley.

Isa pang Pinoy na nagiging popular na rin sa Hollywood fashion world ay si Oliver Tolentino na siyang nagdamit sa TV star na si Niecy Nash para sa Emmy awards. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Los Angeles.

08/31/2010 2:14 AMBookmark and Share