Kampo nina Claudine at Angelica nag-uusap na


Sa totoong buhay, kilalang palaban at walang inuurungang intriga ang dalawang premyadong aktres at nitong nakaraang linggo nakakapaso ang rebelasyon sa iringan ng dalawa.

Si Angelica, pinaratangang nagkakalat umano ng tsismis na may relasyon si Claudine kay Martin Castro, close friend ni Derek Ramsey na boyfriend ni Angelica.

Naglabas ng statement ang legal counsel ng Star Magic na inabisuhan si Angelica na huwag na siyang magsalita sa issue. Hindi raw si Angelica ang naninira.

“Angelica has been advised to maintain her silence... She has not done anything wrong, much less, maligned Claudine,” anang pahayag ng abogado ng Star Magic.

Kung may lalabas pang pahayag mula sa kabilang partido ay magiging basehan ng pagsasampa ng kaso.

“Whatever more is said against Angelica shall be a cause for the filing of the appropriate civil and criminal cases,” babala pa ng abogado.

Sa panayam sa telepono kay sa manager ni Claudine na si Shirley Kuan, sinabi niyang nag-uusap na ang magkabilang kampo.

Ngunit ayon sa isang source, masyadong malalim ang hidwaan at kailangang sa korte na ito resolbahin.

Sa gitna ng issue, apektado ang mga kaibigan ng dalawang aktres.

Gaya ni Aga Muhlach na malapit na kaibigan nina Claudine at Raymart. Nakasama rin ni Aga si Angelica sa pelikula at TV projects.

“I continue to pray really that maayos lahat iyan. Hindi na dapat palakihin pa,” ani Muhlach.

Si Angel Locsin naman na dating nakaalitan na ni Claudine, ayaw nang makiaalam sa issue.

“Kung si Angelica nga ayaw mag-comment, ano pa kaya ako, ‘di ba. Ayokong magsalita,” ani Angel.

Umaasa ang fans at mga malapit kay Claudine at Angelica na maayos na ang gusot dahil maliit lamang ang industriya. – Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino

09/02/2010 12:29 AMBookmark and Share

2 comments

aminin ko na lang

o sigi ako ang nagkakalat, para maayos na ang issue, magtrabaho na lang kayo,... para sa ikabubuti ng mga carrier nyong pareho,.. susuporta lang kami...


Bangayan!

If that was Gretchen Barreto who supposedly started the rumor(s), it might be true! But Claudine Barreto Santiago? Nah... I won't buy it!
Nonetheless, Claudine make sure it was Angelica alright? Who knows you might be wrong in your assumptions! Angelica Panganiban is nice too! She has come from a bubbly girl to a beautiful pricess and I believe, she coudn't do that either!