Walang awayang Sarah-Christine
Samantala, malayo sa kanyang mga astig na karakter sa mga teleserye at sa drama ng kanyang indie films ang gagampanan ni Coco Martin sa bagong teleseryeng Idol na simula na sa September 6. Nangingibabaw daw ang kanyang kaba.
“Bago para sa ‘kin ‘to at hindi ito ang forte ko eh. Iyong magpakilig, magpa-cute. Sabi ko nga tina-try ko naman gawin iyong best ko para pumasok ako doon sa character ko,” ani Martin.
Sigurado namang bibirit ang Pop Princess at bida ng Idol na si Sarah Geronimo.
“Ang galing nga eh, kasi nga po musical tapos acting combined. ‘Di ba? Parang ang saya-saya na nagagawa mo iyong two things na gusto mong gawin,” ani Sarah Geronimo.
Tila dream come true rin ang karakter ni Sarah na pag-aagawan ng mga karakter nina Coco at Sam.
Sa totoong buhay, nagkakairingan nga ba ni Sarah ang ASAP co-host na si Cristine Reyes dahil sa agawan kay Rayver Cruz?
“Okay na okay kami ni Cristine. Lagi ko naman po sinasabi at sabi ko nga kung mabibigyan ako ng pagkakataon na mapalapit sa kanya gagawin ko talaga,” ani Sarah Geronimo.
Pagtutuunan muna ni Sarah ang kanyang first love, ang singing. – Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino



