Angelica kumuha na ng bodyguard


Mula sa walang puknat na pasaringan sa social networking site na Twitter, humantong na sa usaping legal ang awayan nina Angelica Panganiban at Claudine Barreto.

Ngayon kinumpirma ng Star Magic ang pagpapadala nila ng final demand letter kay Claudine.

Ito’y para bawiin ni Claudine ang alegasyon o harapin ang legal na pananagutan

“Contrary to your baseless accusations, our client has not done any of the things you have accused her of. She has not committed anything wrong, much less maligned you,” anang demant letter.

Sa sulat, sinagot ng kampo ni Angelica ang mga akusasyon ni Claudine na si Angelica ang nagpapakalat na umano'y affair ni Claudine sa kaibigan ni Derek Ramsay na si Martin Castro.

Idinitalye pa ang umano'y pag-uusap sa telepono nina Claudine at Angelica. Pinagbantaan umano ni Claudine na sasaktan si Angelica at hinamon pa ng suntukan

Ayon sa kampo ni Angelica, isa itong malinaw na grave threat.

"Your threat against the life of our client, which was not made in jest, is a grave threat punishable under our penal laws," sabi pa sa demand letter.

Binigyan ng 7 araw si Claudine para bawiin ang umano'y mapanirang pahayag kay Angelica.

Sinikap naming hingin ng pahayag ang kampo ni Claudine pero wala pang sagot hanggang sa ngayon.

Kinumpirma naman ng isang source sa kampo ni Angelica na may bodyguards na ngayon ang aktres. – Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino