'Idol' kontrabida babasagan ng balut sa ulo si Sarah


Good looks, sinamahan pa ng magandang boses. Iyan ang Da Vince Code, ang banda ni Sam Milby sa teleseryeng "Idol."

Nagbakasakali mula sa daan-daang nag-audition para sa pangarap na big showbiz break.

Ito ang kuwento nina Mica Caldito at James Torres ng 3AM Band, kasama ang Fil-Am member nilang si Kyle Amor.

Lumaking walang TV sa Sariaya, Quezon ang magkapatid na sina DJ at Micah Lamar na anak ng mga misyonaryong may-ari ng ampunan.

Sumabak sila sa auditions nang wala halos alam sa showbiz.     

Kung bida si Sarah Geronimo sa Idol, siya naman ang kaiinisang karakter na si Diana.

Hindi rin papahuli sa biritan, pero sa totoong buhay, mahinhin, at malumanay magsalita ang 15-anyos na si Emmanuelle Vera.

Hindi-hindi raw niya malilimutan ang unang eksena niyang kasama si Sarah, kung saan binasagan niya ang "Pop princess" ng balut sa ulo.

Tanggap naman ni Emmanuelle na may ilang maiinis sa kanyang Sarah fanatics.

Sa Idol, pursigido siyang ipakita ang kanyang kakayahan at gumawa rin ng sariling pangalan bilang aktres, singer at song writer. – Marie Lozano, Patrol ng Pilipino