Queenie Padilla umiyak sa pag-alis ng kapatid
Ipinagdiriwang in advance nina Aiza Seguerra at ng partner niyang si Chen Sarte ang first birthday ng baby na iniluwal sa tulong nila.
Matatandaang nagmistulang kumadrona si Aiza sa isang buntis na humingi ng saklolo sa kasagsagan ng bahang dulot ng bagyong Pepeng sa Dagupan noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Pinangalanan ang bata na Carissa Chen, sunod sa pangalan nina Aiza at Chen.
“I think there’s a reason kung bakit kami pinagkita, and kung bakit kami iyong nandoroon nandudun noong time na iyon, so parang we just wanna make sure na, alam mo 'yon, okay sila,” ani Seguerra.
Hindi naman napigilang mapaluha ni Queenie Padilla dahil babalik na si Ali sa inang si Lizel Sicangco na nasa Australia dahil maraming pinagkakaabalahan ang kanilang amang si Robin Padilla.
Matatandaang naging mainit na usapan ang sinabi umano ni Lizel na wala nang panahon si Robin kay Ali dahil kay Mariel Rodriguez.
“I think it's best for him to go to Australia kasi 'yong mommy ko, she has all the time in the world for him. Ngayon po si Papa masyado nang busy,” sabi ni Queenie.
Samantala, kabado si Queenie sa unang pagdalo sa engrandeng Star Magic Ball.
“I’m excited at the same time kinakabahan kasi first time ko. Siyempre hindi ko alam anong mga dapat gawin...gan'on, ” aniya.
Kung kabado si Queenie, malaking tanong naman kung may date si Sam Milby sa Star Magic Ball.
“Surprise! Surpirse. Wala akong date. The last 3 years kasama ko si Anne, but this year, I would be going solo,” pahayag ni Milby. – Grechen Fullido, Patrol ng Pilipino
09/04/2010 11:40 PM



