Glee stars hanga kay Charice


Buhos ang publicity sa second season ng US TV hit na Glee, na simula na sa September 21.

Bagong cast ang Pinay sensation na si Charice, bilang si Sunshine Corazon, isang Filipino exchange student na magiging karibal ng bidang hollywood star na si Lea Michelle.

Showdown kaagad ang dalawa sa bersyon ng "Telephone"  nina Lady Gaga at Beyonce.

Bahagi ito ng premier episode na "Auditions," tungkol sa paghahanap ng mga bagong miyembro sa choral group.

Una nang iginiit nina Charice at kanyang ina na Pilipino ang gusto niyang gampanang role sa Glee.

Bagong kabanata ito sa hindi maawat na pagsikat ni Charice na unang umangat sa ABS-CBN Little Big Star, Korean TV at sa show ng mga sikat na hosts na sina Ellen Degeneres, Oprah Winfrey at sa tulong na rin ng hit maker na si David Foster.

Una nang nagpahayag ng paghanga ang mga co-stars ni Charice sa galing ng Pinay.

Pabalik-balik ang papel ni Charice bilang Sunshine sa Glee.

Sa Oktubre 23, nakatakda siyang bumalik sa Maynila para makasama si Natalie Cole at iba pang international singers na susundan ng show sa Indonesia at Thailand.

Katatapos lamang ng show ni Charice sa Minneapolis sa Amerika, kasama ang American singer na si Taylor Swift. – Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

09/06/2010 11:25 PMBookmark and Share

3 comments

TO: E.PJ : UTAK -TALANGKA

I would like to make comments on EPJ...YOU ARE SO FULL OF JEALOUSY IN YOUR HEART AND HAVE THE "CRAB MENTALITY'..

YEAH, IT'S TRUE, THE PHILIPPINES IS RICH WITH TALENTED SINGERS, BUT AREN'T YOU HAPPY, EPJ THAT CHARICE WHO IS A FILIPINO,IS NOW AN INTERNATIONAL STAR? SHE WOULDN'T REACH
WHERE SHE IS NOW,IF SHE DOESN'T HAVE THE TALENT AT PAR WITH THE OTHER INTERNATIONAL STARS!

BAKIT GANUN NA LANG ANG INGGIT AT INIS MO KAY CHARICE?
TINALO KA BA NIYA SA SINGING CONTEST? OR NANGHIRAM KA SA KANIYA NG PERA AT DI KA NIYA PINAHIRAM? HAHAHA!


Charice who?

Hay anku..dami p nmn mas talented k charice no..
D n mgndang panoorin ang Glee pag nksama n sya..OA kaya nya!! :(


Wrong claims!

Sumikat nga ba si Charice sa Little Big Star? Sa pagkakaalam ng marami ay HINDI! Ni wala ngang publicity tungkol ke Charice nong sumali sya sa Little Big Star! Sumikat una si Charice sa YouTube at naging sensation simula noon hanggang sa inimbitahan ni Ellen Degeneres show nya sa Amerika... HINDI ANG ABS-CBN ANG NAGPASIKAT KAY CHARICE!
WRONG CLAIMS...