Ramsay: Labas kami ni Raymart sa awayang Angelica-Claudine


Suot ang kanilang magagarbong gowns at suits, isa-isang rumampa sa red carpet ang Star Magic artists para sa ika-4 na Star Magic Ball sa Makati.

Binigyan ng icon award si Piolo Pascual, na kasama si KC Concepcion sa ball.

Best dressed sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Most stylish sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Nanalo namang "King at Queen" sina Maricar Reyes at John Lloyd na ka-date ang girlfriend na si Shaina Magdayao.

Dinumog naman ng press ang kontrobersyal na si Angelica Panganiban na nakakairingan ni Claudine Barretto.

Patungkol ito sa paratang ni Claudine na pinagkakalat ni Angelica na may relasyon siya sa kaibigan ni Derek Ramsay na si Martin Castro.

Hindi man sumagot si Angelica, buo ang suporta sa kanya si Derek.

“I have nothing against Raymart. We spoke. I heard what he had to say, but it's between them two,” ani Ramsay.

Nalulungkot daw si Derek na may ibang nadadamay gaya ng kaibigang niyang si Martin.

“I think we all wanna fix this, but it's up to them. He's still my bestfriend, it never got affected,” dagdag ni Ramsay.

Pero kailangang isantabi muna ang mga intriga at magsaya sa Star Magic Ball na selebrasyon ng pinakamakislap na mga bituin ngayong henerasyon. – Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino

09/06/2010 11:09 PMBookmark and Share