TV musical 'Idol' tumabo sa ratings
Ganap ang kaligayahan ni Sam Milby sa paghataw sa national ratings ng premier episode ng "Idol" nitong Lunes ng gabi.
Malaki ang agwat ng bagong TV musical show sa katapat na show.
“Ang dami-daming magandang feedbacks, so happy na happy kami,” ani Milby.
Nag-overall, No. 3 ang Idol kasunod ng Noah at TV Patrol.
Puno din ng pasasalamat ni Maja Salvador sa lahat ng sumusubaybay sa matagumpay niyang teleseryeng “Impostor.”
“Dalawang linggo na lang ang Ompostor at maraming, maraming salamat po sa over na suportang natanggap namin,” ani Salvador.
Isa naman sa nakalinyang proyekto ni Maja ang pagbuhay sa karakter na unang ginampanan nina Susan Roces at Maricel Soriano sa pagbabalik ng fantasy "Wansapanataym."
“Nakapag-taping na ako ng Inday sa Balitaw. Dalawang Sabado po iyon na ipapalabas,” ani Salvador.
Ang co-star naman ni Maja sa Impostor na si Lara Quigaman, naghahanda na sa pagharap sa buhay-may-asawa nila ng aktor na si Marco Alcaraz.
Bagamat wala pang petsa, sigurado nang sa isang beach resort sa Boracay gagawin ang kanilang pag-iisang dibdib.
Wala rin daw silang duda na itinadhana sila sa isa’t isa matapos ng mahigit isang taong relasyon.
Ipinamalas naman nila sa press ang tamis ng kanilang pagtitinginan sa pamamagitan ng halik. Ganap ang kaligayahan ni Sam Milby sa paghataw sa national ratings ng premier episode ng "Idol" nitong Lunes ng gabi.
Malaki ang agwat ng bagong TV musical show sa katapat na show.
“Ang dami-daming magandang feedbacks, so happy na happy kami,” ani Milby.
Nag-overall, No. 3 ang Idol kasunod ng Noah at TV Patrol.
Puno din ng pasasalamat ni Maja Salvador sa lahat ng sumusubaybay sa matagumpay niyang teleseryeng “Impostor.”
“Dalawang linggo na lang ang Ompostor at maraming, maraming salamat po sa over na suportang natanggap namin,” ani Salvador.
Isa naman sa nakalinyang proyekto ni Maja ang pagbuhay sa karakter na unang ginampanan nina Susan Roces at Maricel Soriano sa pagbabalik ng fantasy "Wansapanataym."
“Nakapag-taping na ako ng Inday sa Balitaw. Dalawang Sabado po iyon na ipapalabas,” ani Salvador.
Ang co-star naman ni Maja sa Impostor na si Lara Quigaman, naghahanda na sa pagharap sa buhay-may-asawa nila ng aktor na si Marco Alcaraz.
Bagamat wala pang petsa, sigurado nang sa isang beach resort sa Boracay gagawin ang kanilang pag-iisang dibdib.
Wala rin daw silang duda na itinadhana sila sa isa’t isa matapos ng mahigit isang taong relasyon.
Ipinamalas naman nila sa press ang tamis ng kanilang pagtitinginan sa pamamagitan ng halik. – Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino







