Pagtulong sa barangay, nagtulak kay Dagul para tumakbo


Kilala siya bilang katsokaran ng mga child stars sa top rating na comedy gag show na "Going Bulilit." Ngayon,  bagong  kulay ang dinadagdag ng midget na komedyanteng si Dagul sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.

Isa siya sa mga libu-libong tumakbo sa barangay elections bilang kagawad sa Rodriguez, Rizal, ang una niyang subok sa pulitika.

Pagdating sa presinto, binuhat at kinarga pa si Dagul para matapos ang pagboto.

Day care centers at  pagtalaga ng mas maraming manggagamot ang pangarap ni Dagul sa kanyang barangay.

Ayaw niyang magpaapekto sa isyung sagabal ang kanyang kundisyon sa kanyang paglingkod sa bayan.

"Hindi naman sinusukat iyan sa laki o liit. Ang [bentahe] diyan, sa galing," aniya.

Malayo na ang narating ng  52 years old na Ilonggong si  Romy Pastrana na nadiskubre ni Randy Santiago noong 1998, at tinawag na Dagul o "malaki" dahil sa 2 feet na height.

Pamilyado na rin siya, at mas mataas pa sa kanya ang ibang mga anak. Sana daw, maging positibo ang bilangan ng balota para sa kanya

"Basta masama lang sa pito. At least ang [aim] ko naman, magserbisyo," ani Dagul.

Manalo o matalo, nagtagumpay na si Dagul sa pagbigay ng inspirasyon sa mga taong gustong lagpasan ang pisikal na pagkukulang; at sa pagpapakitang puwede ding maging pantay  ang lahat sa magulong larangan ng pulitika sa Pilipinas. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

10/25/2010 10:43 PMBookmark and Share

2 comments

kahit anong height pwede...

kung si magnanakaw at pekeng presidente ng pinas na si makapal na gloria macapagal arroyo pumwede at mataas lang siguro ng isang talamapakan kay dagul...

bakit hindi, tama ka dagul hindi kinukuha yan sa height basta may ginintuang kang puso okey na yan...

pero sa atin sa larangan ng pulitika...
pag gumawa ka ng maganda galit sayo ang masasamang tao at pero pag gumawa ka ng masama galit sa iyo ang mabuting tao at galit din sa iyo ang masamang tao kasi po
kinukuha mo ang role nila...

ang kasabihan ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw..
buhay nga naman ng tao...

"BE WISE AS A SERPENT, AND BE HARMLESS AS A DOVE"

Best Election News I've Read Here During the Past Few Days...

.... go go go Mang Dagul. :-)