Charice kinilalang “Icon of Tomorrow” ng US magazine


Karagdagang karangalan sa hindi maawat na kasikatan ni Charice ang  pagkapanalo niya ngayon sa J-14 magazine's Icon of Tomorrow Award.

Ang J-14 ang top teen celebrity magazine sa Amerika.

Tinalo ni Charice ang ilang US teen stars. Special mention ang Charice Internet Army na naging malaking bahagi sa pagkapanalo ng singer bukod pa sa masugid na kampanya ng ina ni Charice na si Racquel na iboto ang anak.

Ilang beses nang na-feature sa J-14 si Charice kung saan itinampok ang kanyang karakter sa TV series na Glee bilang Sunshine Corazon.

Cover naman ng Toronto Sun Television si Charice. Tampok dito ang kuwento ng paghihirap at pagsusumikap ng singer bago narating ang kasikatan, at ang pag-abandona ng kanilang ama noong siya’y 3 taon pa lamang.

Nakalinya naman ang naglalakihang pelikula bago ang pasko na swak para sa mga tsikiting at young-at-heart.

Sa November 18 na mapapanood ang Part 1 ng huling serye ng Harry Potter, ang "Harry Potter and the Deathly Hallows.”

Misyon nina Harry, Hermione at Ron dito na lutasin ang sikreto para matalo si Voldemort.

Nasa 3D digital naman ang “The Chronicles of Narnia: The Voyage of the Dawn Treader.”

Ito naman ang pasilip sa comedy-adventure ng funnyman na si Jack Black na "Gulliver's Travels" base sa children's classic adventure ni Gulliver sa hidden island ng Liliput na mundo ng mga maliliit na tao. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino