‘Little Mermaid’ musical binigyan ng Pinoy touch


Nagpasampol na sina Eric Santos at Rachel Ann Go sa pagtatambalan nilang "The Little Mermaid."

Ito ang unang Asian production na pinayagan ng Disney matapos ang Broadway run nito.

Nakakapangilabot naman ang Miss Saigon veteran na si Jinky Llamanzares bilang mangkukulam na si Ursula.

May basbas din ng Disney ang paglalagay ng estilong Pinoy sa costumes ng “Little Mermaid” na simula na sa November 18.

“Filipiniana [-inspired ang costume ko],” kuwento ni Rachelle Ann.

Tuwang-tuwa naman ang presidential sister na si Pinky Aquino-Abellada sa pagtatambal ng romantic balladeer king na si Jose Mari Chan at tinuturing na tagapagmana ng kanyang korona na si Richard Poon.

Ito'y para sa December 2 benefit concert ni Pinky para sa pagpapatayo ng paaralan sa Bulacan. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

11/09/2011 10:37 PMBookmark and Share