DFA, inaalam pa kung may 2 Pinoy ang nasugatan sa Algeria


Magpapadala na ng team ang Department of Foreign Affairs sa Algeria, matapos ang madugong rescue attempt sa mga hinostage na manggagawa ng isang gas plant doon. Daan-daang Pinoy ang nagtatrabaho sa nasabing gas plant. At batay sa ulat, may dalawang Pinoy na ang nasugatan sa insidente. Live mula sa tanggapan ng DFA sa Pasay City, nagpa-Patrol si Henry Omaga Diaz. TV Patrol, Enero 18, 2012, Biyernes

01/18/2013 8:42 PM