Mga labi ni Iggy, iuuwi ni Aleli Arroyo


Hindi na pinalagpas ni Aleli Arroyo ang pagkakataon para tapusin ang lahat ng pagdodokumento para matiyak ang pag-uwi ng asawa ngayong gabi.

Matapos ang mahigit 15 oras na biyahe galing Maynila, diretso sina Aleli at Atty. Kapunan sa Philippine embassy sa London para sa closed door meeting at pagsasaayos ng mga papeles sa repatriation.

Sa Heathrow Airport pa lang, inilahad na ni Aleli eksklusibo sa Europe News Bureau ang planong burol sa Maynila at Negros Occidental.

“What is sure is that we will spend at least 2 days in the house. From the airport, we will bring the body home and I really owe it to my daughter,” sabi ni Aleli.

Dalawang araw aniya ang burol sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City.

Isang araw sa kongreso.

Dalawang araw sa 5th District ng Negros Occidental.

At dalawang araw sa bahay nina dating First Gentleman at kuyang si Mike Arroyo sa La Vista rin.

Sampung taon tumira sina Iggy at Aleli sa La Vista mansion nina Mike at dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.

Aprubado na raw ang funeral arrangement ng pamilyang Arroyo.

Maging si Bianca, ang pinakamatandang anak ni Iggy ay sumang-ayon sa plano, ayon kay Atty. Kapunan.

“Si Bianca I think was satisfied that Aleli represents wishes of the whole family in Manila,” sabi ni Kapunan.

“Lahat ng magkakapatid, ng mga anak, kailangan OK para we will have peaceful proceedings for him so he will rest in peace,” sabi ni Aleli.

Hindi imbitado sa burol ang live-in partner ni Iggy na si Grace Ibuna.

Ayon kay Kapunan, hindi kasama sa usapin si Ibuna.

“It’s going to be awkward. Aleli said she was trying to get a ticket for Bianca but Bianca said she is making her own arrangements. Now, the unspoken question is where is Grace Ibuna? As far as we are concerned, we are not talking to her. It is also the expressed wish of the family,” sabi ni Kapunan.

Tumagal ang closed door meeting ng halos pitong oras.

Todo-iwas ang mga opisyal ng embahada sa anumang panayam.

Pero umaasa sila na maaayos ang gusot.

“In this moment we are in the process of finalizing all the requirements of repatriation,” sabi ni Ambassador Enrique Manalo.

Prayoridad umano nina Aleli at Bianca na isantabi muna ang lahat ng legal issues at payagan mailibing nang mahusay ang namayapang kongresista.

Pinilit ng Europe News Bureau na kunin ang mga panig nina Grace at Bianca.

Hindi nila sinasagot ang mga tawag at maging mga text messages. Kasama sina Gene Alcantara at Jomel Gutierrez, Danny Buenafe, Patrol ng Pilipino, London

02/03/2012 9:12 PMBookmark and Share

1 comment

hmmm

wag na sanang itukoy pa kung legal man o illegal sila basta, pagluksaan na lang at ilibing....

ushldtellme