2 Pinoy, patay sa rescue ng barko sa dagat ng India

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Dalawang Pinoy seamen ng na-hijack na barkong MV Eglantine sa karagatan ng India ang napatay sa rescue operation na ginawa ng Iranian Navy noong Abril 2.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang isa sa mga biktima ay nabaril sa ulo habang naubusan naman ng hangin ang isa nang magtago sa engine room.

Hindi pa kinilala ng DFA ang dalawang namatay na Pinoy.

Kabilang sila sa 10 Pilipinong crew member ng barko na na-hijack ng mga Somali pirates noong Marso 26.
 

04/10/2012 11:13 PM