Dating conjoined twins patuloy ang paggaling

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Apat sa bawat 10 conjoined twins lamang ang nakakaligtas.

Nang makapanayam namin si Ginady Sabuco noong isang taon, tanging dalangin lang niya na masama ang mga kambal niyang sina Angelica at Angelina sa apat na iyon.

Ngayon, nakukuha na raw ni Ginady na mangarap na isang araw ay maging doktor o nurse ang kanyang mga anak.

Dalawang taon ding magkadikit mula dibdib hanggang tiyan at iisa ang atay at diaphragm nina Angelina at Angelica Sabuco bago sumailalim sa 10 oras na operasyon noong Nobyembre.

Ngayon, ayon sa kanilang mga doktor, patuloy na bumubuti ang kanilang kalagayan. Kung noon, hirap silang maglakad, ngayon, ang kanilang nanay na ang nahihirapang maghabol sa kanila.

“Maraming, maraming salamat sa mga prayers ninyo,” ani Sabuco.

Sa kanilang pagbisita sa Lucile Packard Children's Hospital kanina, nagdiwang ang medical staff na napamahal na sa mga bata.

“They certainly didn't look normal after surgery. Fairly cone-shaped, but that's receding,” sabi ni Gary Hartman, ang doktor na nag-opera sa kambal.

“When they come to clinic and they look just two normal girls off the street, that's all we could hope for,” ani pa ni Hartman.

“I just look forward to all the opportunities ahead of them. I think they’re going to have a great little life, they are loved, they have a great support system,” sabi ni Lisa Hilldoerfer, isa sa mga nurse na nag-alaga sa kambal.

Magbi-birthday sa Agosto sina Angelina at Angelica nang hindi na magkadikit sa isa't isa. Wala na raw hihilingin pa ang kanilang ina. Nadia Trinidad, Patrol ng Pilipino, Palo Alto, California

05/03/2012 1:24 AM