Mga Pinoy ikinasa na ang pagboto kay Jessica

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Kasalo sa pagkain sa Temple Seafood Market sa Los Angeles, California ang pag-uusap kay Jessica Sanchez.

Kaliwa't kanan ang paghahanda ng mga Pinoy para sa kani-kanilang voting parties para sa huling araw ng botohan sa “American Idol” bukas ng gabi.

"Umpisang napasok siya sa top five, every Tuesday, ako ang nagkakaha dito,” sabi ni Nelita de Guia, isa sa mga organizers ng voting party.

Hindi rin pahuhuli sa Aling Nelita sa voting party.

Singkuwenta katao ang kanyang bisita at parang si Jessica, Mexican, Filipino at American food ang handa niya.

"Umpisang last week sinasabi ko magpapa-party ako,” sabi ni Aling Nelita. "Kaya bukas ready na ready na magpa-party bukas."

Abalang- abala rin ang mag-asawang Abrahan sa kanilang pot luck, buffet-style voting party.

"It's all worth it kasi hindi lang para kay Jessica Sanchez, kasama rin ‘yung friendship. Magandang practice na sama-sama tayo, ‘yung parang People Power, Filipino power,” sabi ni Hydee Abrahan.

Abala rin ang grupo sa paggawa ng banners at posters para kay Jessica.

“We're going to watch her. We're going to cheer her on. We're going to vote for her,” ani Chloe Calaguas.

"We are here to gather support for Jessica because she is the winner, she needs to win,” sabi naman ni Charissa Calaguas.

Dalawang oras bago mag-“American Idol,” inaasahang magsisimula na ang voting parties.

Para sa mga kababayan natin dito, bihira ang pagkakataong ito na may Pilipinong manalo ng ganito sa mga contest gaya ng “American Idol,” kaya't hindi rin nila palalagpasin ang pagkakataong maghanda at sabay-sabay na bumoto para sa tuluyang tagumpay ni Jessica Sanchez sa laban na ito. Yvee Tadeo-Guevara, Patrol ng Pilipino, Los Angeles, California

05/22/2012 10:44 PM