Mga Pinoy na ka-lugar ni Bradley inis sa mga hurado

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Ito ang Palm Springs – ang bayang kinalakhan ng bagong welterweight champion na si Timothy Bradley, ang boksingerong tumalo kay Manny Pacquiao, ayon sa mga hurado.

Sa Palm Greens Cafe, kung saan ipanangalan ang isang smoothie kay Bradley, ang pulso ng mga tao:
bilib sila sa naging sagupaan ng dalawang boksingero.

“It was a little bit surprising because the judges seemed to favor Pacquiao in all of the rounds but round 10, but I guess overall the performance of Tim was outstanding as always. But of course there is a rematch so I guess that'll settle things,” anang isang manonood.

Kilala si Bradley sa komunidad na ito bilang isang mabuting tao, at marami siyang kaibigang mga Pilipino.

Sa natatanging Filipino grocery store na Fil-Am Oriental Mart, usapin pa rin sa mga umpukan ang kontrobersyal na panalo ni Bradley laban kay Pacquiao.

Ayon sa mga Pinoy dito, wala naman silang sama ng loob kay Bradley; ang kinaiinisan daw nila ay ang mga nagpasya ng resulta ng laban.

“Well if anything, if someone were to beat Pacquiao, it'd be Bradley because he's from here. But we're still Manny Pacquiao fans, but it was a disappointing fight,” ani Carlito Mendoza, na sinundan ang laban.

Umuwi ng Palm Springs si Bradley noong linggo ng gabi para magpahinga. Dito siya umano magpapagaling ng mga tinamong injury sa laban.

Ayon sa Top Rank, wala pang napaplanong victory party sa Palm Springs bagamat kanila ring inanunsyo na pormal na nilang hiniling sa Nevada attorney general na imbestigahan ang naging pagtala ng score ng mga hurado sa kontrobersyal na laban. Nadia Trinidad, Patrol ng Pilipino

06/12/2012 10:35 PM