Jennifer Holliday naki-'Philippine Day' sa Georgia

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Dahil sa kanilang kontribusyon sa kultura at ekonomiya ng Amerika, binigyan ng parangal ng estado ng Georgia ang mga Pilipino, at idineklara ng gobernador ang June 12 bilang "Philippine Day" sa Georgia.

Special guest sa okasyon si Jennifer Holliday na nagpasalamat sa Pinoy fans na sumuporta sa kanila ni Jessica Sanchez.

"I had felt connected with Jessica early on, especially when she was in the bottom three and had gotten eliminated,” ani Jennifer.

"I wish for her, that she will always have a balanced life,” sabi pa ni Jennifer.

"Hello to my dear Filipino family, fans and friends. This is Jennifer Holliday, or to you, Mama J. I am so happy to greet you finally and tell you how much I love you and thank you so much for your love and support during the time when Jessica and I were together on ‘American Idol,’” pagbati ni Jennifer.

Ang ilang organisasyon dito ay sumusuporta rin sa Bantay Bata at iba pang charity projects sa Pilipinas.

Ayon sa mga Pilipino dito sa Georgia, malayo man daw sila sa bansang sinilangan, palagi pa ring nasa kanilang puso ang Pilipinas. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Atlanta, Georgia

06/13/2012 9:59 PM