Donald Tsang nanawagang 'wag idamay ang mga Pinoy sa Hong Kong


Mula nang mangyari ang madugong hostage-taking na kumitil sa buhay ng limang Hong Kong Chinese at tatlong Canadian citizen sa Maynila, ramdam na ng mga Pinoy sa Hong Kong ang galit ng mga taga-roon
 
Sa report ng Hong Kong correspondent ng radio dzMM, nanawagan si Hong Kong Chief Executive Donald Tsang sa kanyang mga kababayan na maging kalmado at huwag pagdiskitahan ang mga Pinoy sa Hong Kong .
 
"Well, this is a moment wthat we all have to act sensibly and to behave in a civil manner. I understand the strong feelings and sentiments within a community, but I also know for sure that  the nearly 200,000 Filipino nationals who are working in Hong Kong share our sorrow and share our frustration and this is a time we should look for mutual support within a community and overcome this tragedy," pahayag ni Tsang.
 
Sa kabila ng trahedya, gusto raw ni Tsang na manatiling mapayapa at civil ang kanilang bansa.
 
Sinabi rin niya na nag-sorry si Pangulong Aquino sa nangyari at sa hindi pagsagot ng kanyang tawag sa kasagsagan ng hostage crisis.
 
"President Aquino rang me up and he apologized for the event, he felt particularly sorrowful for what had happened and he also apologized that he could not  return my call because he was totally engaged in supervising the operation," dagdag ni Tsang.
 
Tinanggap na ni Tsang ang paghingi ng tawad ni Pangulong Aquino, pero mananatili silang mapagmatiyag sa imbestigasyon sa hostage taking.
 
"We have formally asked the Philippines government to do a thorough investigation of what happened and compile a report and make a full account of it and let the Hong Kong people know what actually  transpired," ani Tsang.
 
Ipinagtanggol naman ni Kris Aquino ang kapatid na inuulan ng batikos ngayon.
 
Bilib daw siya sa Pangulo dahil wala siyang sinisi sa kinalabasan ng hostage crisis.
 
Nag-alay ng dasal at bulaklak sa Quirino Grandstand ang pamilya Aquino para sa mga biktima ng madugong hostage crisis. – Sheryll Mundo, Patrol ng Pilipino

08/28/2010 12:28 AMBookmark and Share

2 comments

AYAN KASI, INUMPISAHAN NYO ..

aYAN PO KASI INUMPISAHAN NYONG MAGBITAW ANG MGA SALITA, TULOY GALIT ANG NASA PUSO NG KABABAYAN NYO.

DAPAT LANG NA WAG LAHATIN ANG SISI SA BAWAT PILIPINO. ANG PANGYAYARI AY HINDI KAGUSTUHAN NG MARAMIHAN.

DAPAT MAGKAISA KUNG PAANO MAPANAGOT ANG MG IRRESPONSABLENG POLICE KUNG MAY NANGYARING KAHINAAN AT KADUWAGAN NGA BA SA HANAY NILA?

WAG NYONG IDAMAY ANG MGA PINOY DYAN NA NAGPAPAALILA SA INYO, KAHIT IRRESPONSABLE DIN KAYONG MGA AMO, MGA ANAK NYO NA WALANG MODO, MGA BASTOS AT DUGYOT DIN, ABUSADO SA MGA TRABAHADOR. NUMBER ONE DRUG SYNDICATE, NUMBER ONE CASINO OPERATOR, SMUGGLER, AT NUMBER ONE NA IMITATTOR SA MGA GADGETS NG IBANG BANSA KUMBAGA PURO LOW QULAITY AT PURO FAKE.

PLEASE WAG KAYONG MANDAMAY SA UGALI NG ISANG TAO OR DALAWA, TIGNAN NYO MUNA ANG MGA SARILI NYO.

PASALAMAT PA KAYO'T TINANGGAP KAYO NG MGA PINOY DITO SA PINAS NA MAMUHUNAN, AT KAYO ANG BIDA SA MGA NEGOSYO.


ANG KAWAWANG DONALD

KAWAWA naman itong si Donald Tsang. Tumawag sa Malakanyang, hindi sinagot. Ngayong nananawagang maghunos-dili ang mga kababayan, hindi pinapakinggan. Hoy, mga taga-Hong Kong! Pakinggan n'yo ang pinuno n'yo at tigilan na ang pag-aaglahi sa mga Pilipino!