Mga gustong mag-DH sa HK dagsa pa rin


Kahit na may pangambang baka balikan sila ng kanilang mga amo dahil sa hostage drama, tuloy ang pag-aaral ng Cantonese ng mga nag-a-apply na domestic helper sa Hong Kong.

Marami ang nakikipagsapalaran sa Hong Kong para maging domestic helper para sa sahod na nasa P22,000.

Isa na rito si Wilma na aalis na sa Martes.

Kabado siya dahil baka raw pahirapan siya o pauwiin ng magiging amo.

Ganito raw ang nangyari sa kanyang auntie na pinauwi ng amo mula Hong Kong.

Ayon naman sa Overseas Workers Welfare Association, wala silang opisyal na report ng mga pinauwi ng amo sa Hong Kong dahil sa galit sa nangyaring hostage drama.

Sakaling mangyari ito, meron daw proseso.

Tuloy pa rin daw ang recruitment ng mga Pinoy sa Hong Kong at at wala namang nag-cancel ng job order.

Ang Hong Kong ang may pinakaraming Filipino domestic workers na umabot na sa 130,000. – Niña Corpuz, Patrol ng Pilipino

08/28/2010 12:01 AMBookmark and Share

1 comment

PAG-ARALAN ANG PAGPAPADALA NG OFW SA HONG KONG

DUMATING na marahil ang oras para balik-aralan ng DOLE at POEA ang patakaran hinggil sa mga OFW sa Hong Kong. Hindi nararapat magpadala ng Pinoy kung saan siya kinamumuhian. Sa naroon na, bigyan natin ng option ang OFW na makalipat-bansa. Labis-labis ang pakikidalamhati natin sa mga taga-Hong Kong. Pero labis-labis din ang kanilang kapritso. Hayaan na lang nating magbalik-bahay ang kababaihan nila upang muli silang makapaglabada at mag-alaga ng bata.