Kabataan sa Hong Kong, mahal pa rin ang Pinoy!
Sa gitna ng nagngangalit na damdamin sa pagkamatay ng 8 Hong Kong tourists sa hostage crisis sa Maynila, marami ang natakot na mauwi sa pagkamuhi ng mga mamamayan ng Hong Kong ang insidente.
Sa kabila ng lahat ng ito, mahal pa rin daw tayo ng mga taga-Hong Kong.
Ito ang mensaheng ipinapalaganap ngayon ng ilang kabataang Hong Kong sa pangunguna ng isang Jessie Lau sa iba-ibang social networking sites gaya ng Facebook.
Makikita sa video ang grupo na nag-iikot sa central Hong Kong noong Agosto 29, anim na araw matapos ang hostage-taking, niyayakap ang bawat Pilipinong makita.
Kinausap din nila ang mga Pilipino at nakisimpatiya sa pinagdaraanang pagsubok.
Ang iba, pilit ginamit ang wikang Filipino para maiabot at mas maunawan ang kanilang pakikiisa.
“Mahal kita. Salamat! Salamat, sige. Babay!” anang isang Hong Kong teenager.
Ang mga Pilipino, hindi rin nagpahuli. Ipinaabot din ang pakikiramay sa bansang nagluluksa.
Ang mga eksenang ito, hindi inaasahan sa panahong umiiral ang galit sa puso ng mga taga-Hong Kong pero nagpapatunay na sa gitna ng trahedya, sumisibol ang pag-asa at ang kasabihang walang sugat na ‘di naghihilom. – Jeff Canoy, Patrol ng Pilipino
09/06/2010 11:27 PM




Our Condolences and Thanks
It is in times of grief and turmoil when true friendship is tested.
We are sorry that some hostages died. We will not be able to bring them back to life but there is something we can do something about and that is...to bring back the friendship between our nations.
To our Chinese friends...may our God...no matter who we conceive him to be...keep all of us tied together with His chain of PEACE.
FGGH
Ito ang mensaheng ipinapalaganap ngayon ng ilang kabataang Hong Kong sa pangunguna ng isang Jessie Lau sa iba-ibang social networking sites gaya ng FacebookBolero wedding.