Valdemoro na-frame up umano


Hindi lubos maisip ng magkapatid na Alita at Joel Valdemoro na magagawa ng kanilang kapatid na si Efren ang pumatay.

Si Efren ang itinuturong may sala sa pagpatay ng 3 Pinoy at 1 Vietnamese sa California noong Biyernes.

Mabait, masipag at maalalahanin daw ang kanilang Kuya Efren.

“Hinala namin is wala po siya talagang kasalanan. Puwede siyang na frame-up o sinet-up,” ani Joel.

Ayon pa kay Joel, 5 araw bago nangyari ang pamamaslang kina Segundina Allen, Macaria Smart at sa isang Vietnamese, nagkaroon pala ng gulo sa bahay ni Efren sa Hercules.

Sa blotter ng California police, nakasuntukan ni Efren ang mag-amang sina Ricardo at Frederick Sales, na nawawala pa rin.

May litrato pa si Efren na may pasa sa mukha.

Reklamo umano ni Efren, sinugod siya sa bahay ng matandang Sales.

“Si Charles, iyong asawa po ni Allen. Hindi po ako sure sa nawawalang [tao] na sinaktan pa niya before nangyari, ang kapatid kong si Efren,” ani Alita.

Sa ngayon, hirap maging ang California police sa imbestigasyon.

Inaalam din nila kung may koneksiyon ang suntukan sa posibleng pagganti ni Efren sa mag-amang Sales.

Tuloy naman ang paghahanap kay Frederick Sales.

Hiling ng pamilya Valdemoro, huwag i-cremate ang mga labi ni Efren.

Humingi rin sila ng tulong sa Department of Foreign Affairs at konsulada sa Amerika para maiuwi ang mga labi ni Efren sa Pilipinas. – Alex Santos, Patrol ng Pilipino

09/08/2010 9:17 PMBookmark and Share

3 comments

mali!!! mali!!! mali!!!

pasintabi po pero, unang una! ang kamag anak nyo dito ay hindi masipag kagaya ng sinasabi nyo! wala siyang trabaho dito! nakikitira lang siya sa bahay sa hercules na pagmamay ari ng girlfriend nya na si cindy na pinatay niya! hindi niya bahay ang nasabing bahay sa hercules!!! at hindi siya ang sinugod sa bahay para awayin o bugbugin! siya ang unang sumapak kay ricardo kaya tinulungan siya ng anak niyang si frederick! at hindi siya binugbog ng dalawang mag ama! may tama siya oo pero un ay dahil nanlalaban pa siya! nang maitumba siya sa lapag hinawakan siya ng mag ama para hindi na siya makasakit pa! habang hinihintay ang mga pulis na dumating inuuntog niya ang sarili niya sa sahig para lumala ang tama niya sa mukha! at isa pa! hindi upa sa bahay ang pinag talunan nila! nagselos siya kay ricardo na wala namang relasyon sa nobya niya! at eto pa ang isa! sa report na finile ni cindy, inaadres nya si efren na ex-boyfriend nya. kaya ibig sabihin ay wala na silang relasyon!


what???

sana na po sa mga kamag-anak ni baldemoro sa PILIPINAS; hindi po PNP ang may handle sa kaso ng kamag anak ninyo,di po porket pinoy, DI NA PO USO ANG RACISM SA MGA PINOY DITO! huwag kayo maniwala sa haka2x ng iba na taga dyaan...

daisyrie

Frame Up is Unlikely

The co-workers of the slain Vietnamese-American girlfriend of Baldemoro heard her screaming over her cell phone before she was alledgely killed by Baldemoro.

The dead body of Baldomoro's girlfriend was later found in Baldemoro's car after Baldemoro was killed by the California Highway Patrol officers in a shootout following a high speed chase.