17 hurt in bus blast in Tel Aviv
17 hurt in bus blast in Tel Aviv
11/22/2012 1:51 AM

Labingpito ang sugatan sa pagsabog ng bomba sa isang bus sa Tel Aviv, Israel.  Ito’y sa gitna ng namamayaning tensyon sa pagitan ng mga Israeli at Palestinong grupong Hamas. Agad na ring kumilos ang response team ng Department of Foreign Affairs para sa agarang pagpapalikas kung kinakailangan sa mahigit 100 Pinoy sa Gaza at 41,000 sa Israel. Naroroon mismo sa Tel Aviv si Middle East Bureau Chief Danny Buenafe na nagtungo sa lugar kung saan naganap ang pinakabagong pagsabog. Bandila, Nobyembre 21, 2012, Miyerkules