Obama panalo laban kay Romney


Mananatili pa ng apat na taon sa White House si US President Barack Obama matapos niyang talunin ang Republican challenger na si Mitt Romney sa halalan. Agad namang tinanggap ni Romney ang kanyang pagkatalo. Live mula sa Chicago, Illinois sa pamamagitan ng Skype, nagpa-Patrol si North America Bureau Chief Nadia Trinidad. TV Patrol, Nobyembre 7, 2012, Miyerkules

11/07/2012 11:48 PM