Mga bagong gimik, bibida sa Valentine's Day
Ito ang napakatamis na eat-all-you-can buffet sa Quezon City.
Sa Valentine’s Day, makakain ang lahat ng gustong dessert ng magka-date sa halagang P143.
“We have sugar-free sa mga diabetic para ma-enjoy din nila with their family,” sabi ni Jen Lee, may-ari ng Love Desserts.
At kung gustong mag-relax kasama ang minamahal o kahit buong pamilya at barkada, may mga bagong suite o kuwarto na pinasyalan si Kakai Bautista.
Para naman sa magkakaparehang mahilig sa dagat o anumang lugar na may tubig, puwedeng mag-dinner date sakay ng isang yate.
“What’s so special about this is limited siya to 10 couples lang to make it more romantic and intimate,” sabi ni Cherilyn Laroco, assistant manager ng Realship Corporation.
Hindi man nakahahanap ng ka-date si Kakai, nadiskubre naman niya na pwede ring gimik sa Araw ng mga Puso ang pakikipaglangoy sa mga 5,000 uri na lamang dagat kasama ang ka-date.
Hindi man ordinaryo ang pagsubok sa mga gimik na ito sa Araw ng mga Puso, pamilya man, kaibigan o kapareha ang kasama ay tiyak na daragdag sa saya ng pagsasama.
At ang iba pang patok na gimik at mga kuwentong may kinalaman sa pag-ibig sa “Rated K,” date tayo, Linggo ng gabi.
02/10/2012 10:58 PM







