30 kandidata para Bb. Pilipinas, napili na


Tuloy ang pagtingkad ng mga Pinay beauties sa international beauty pageants sa mas pinalakas pagsanib puwersa ng Kapamilya network at Bb. Pilipinas Charities.

Nakasalalay ngayon ang tagumpay ng Pilipinas sa Miss Universe, Miss International at iba pang beauty pageant sa top 30 candidates na napili mula sa hanay ng halos 100 na dilag.

Agaw-pansin ang modelong si Maxine Medina mula Quezon City.

“I’m scared a bit. I’ll just give it my best shot,” sabi ni Medina.

Australian Pinay si Karen Gallman mula Bohol, at ang tallest sa batch ay si Elaine Moll mula Bicol na 5'10”.

“I'm a former UAAP basketball player,” sabi ni Moll.

Sa ikatlo niyang pagsubok, nakapasa si Ms. Bikini Philippines 2011 na si Claudette de los Reyes.

Nakapasok din ang modelong si Patricia Ejercitado matapos siyang ma-reject bilang contestant nung 2010.

“I really worked hard to improve myself so malaki ‘yung chances ko this year,” sabi ni Ejercitado.

Nagpasampol din ang ilang kandidata na aspiring singer.

Ang iba naman, napasiklab sa question and answer portion.

Pipiliin ang mga bagong batch ng Bb. Pilipinas winners sa Abril. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

02/14/2012 11:09 PMBookmark and Share

1 comment

Weak batch

This year is a weak batch...