Ice cream na sili ang flavor patok sa Bicol

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Para sa mga naghahanap ng kakaibang pampalamig, nasubukan niyo na ba ang ice cream na siling labuyo ang flavor? Sa Bicol, meron niyan. Nagpa-Patrol si Jose Carretero. TV Patrol, Mayo 1, 2012, Martes

Ngayong matindi ang init, binabalik-balikan ang ice cream sa First Colonial Grill. Sari-sari ang flavors ng kanilang ice cream na tatak-Bicol.

Bagung-bagong flavor ang tinutong ice cream na gawa sa tinutong na bigas. Lasang mocha ito kaya patok sa mga bata.

Sa mga batang ayaw sa gulay, alternatibo ang malunggay ice cream. Mayroon ding pili at kalamansi ice cream.

Pero, ang patok at best-seller ay ang ice cream na sili flavor. Pinaghalo ang sarap at lamig ng ice cream at anghang ng siling labuyo.

Ang magkaibigang Ivy at Bernadette, madalas um-order ng sili at tinutong ice cream tuwing kumakain dito.

“Maanghang pero nakaka-refresh,” sabi ni Ivy.

“Kakaiba lasa niya, para siyang coffee na ‘yung tinutong na bigas talaga malalasahan mo,” sabi ni Bernadette.

Ito ang naisipang gimik ng restaurant para ibida ang mga produktong Bicol.

Swak din sa budget ang presyo. Ang ice cream nagkakahalaga lang ng P79 ang tatlong scoops.

“Ang hirap maki-compete lalo na sa mga competitors, especially national players, dahil ang produkto mo gaya lang ng sa kanila, so nag-isip kami ng produktong tubong atin,” sabi ni Bong Aspe, may-ari ng First Colonial Grill.

Bukod sa icream cream, mayroon ding shakes na kakaiba rin ang flavor, tulad ng sili at pili shake. Jose Carretero, Patrol ng Pilipino sa Bicol

05/01/2012 10:05 PM