TV Patrol, may pa-kontes para sa ika-25 anibersaryo

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Sa bawat Balitandaan, may mahahalagang detalye ng balita na nakapaloob sa QR code o quick response code.

Unahan lang sa pagkumpleto ng 25 Internet address sa QR Code at puwede kayong manalo ng premyo. 

Itapat ang iyong telepono o device na may QR Code scanner.

Hintayin ang Internet address na ilalabas.

Ang bawat address na ito ay magdadala sa iyo sa mga naging makasaysayang news coverage at pagbabalita ng TV Patrol.

Hindi kailangan na puntahan mo lahat ng Balitandaan at puwede kayong mag-share sa mga kaibigan o makipagpalitan ng QR codes sa iba pang nangongolekta ng TV Patrol QR code.

At kapag nabuo na ninyo ang 25 Internet addresses mula sa QR codes, i-email na iyan sa [email protected].

Ilagay ang iyong pangalan, contact details, scanned copy ng isang valid ID, at isang litrato mo na katabi ang isa sa anumang 25 na Balitandaan.
 
Maaaring pumunta sa ABS-CBNnews.com/tvpatrol para sa mga detalye.

05/05/2012 12:15 AM