Jinkee may bagong hotel sa GenSan


Excited si Jinkee Pacquiao sa pagbubukas ng kanyang bagong hotel sa GenSan. Ito pinakabagong negosyo ng misis ni Manny Pacquiao. Sa pagbubukas ng kanyang Road Haus Hotel, natupad na ang matagal na pangarap ni Jinkee.

May 40 kuwarto ang hotel na may single, double at family room. Moderno ang disenyo nito. May coffee shop at function room. Napapalamutian ang hotel ng mga boxing picture ni Pacman at mga litrato ni Jinkee at pamilya Pacquiao.

Mula umaga abala ang mga empleyado sa mga last-minute preparation para sa opening. Nagtipon din sila para sa Bible study at ipinagdasal ang tagumpay ng hotel.

Proud na ipinakita ni Jinkee ang opisina nila ni Manny dito sa Road Haus.

Dahil nasa Amerika na para sa training, hindi umabot si Manny sa ribbon-cutting pero todo-suporta si Pacman sa proyekto ni Jinkee.

“Sabi niya, ‘I’ll pray na okay ‘yung blessing.’ Sabi ko, ‘Pag-balik mo na lang, grand opening talaga na nandiyan ka,’” ani Jinkee.

Kumpleto ang pamilya ni Jinkee sa opening. Pati si Mommy D dumalo.

Hands-on si Jinkee sa pagpapatayo ng hotel. Isang taon nag-meeting sa mga architect at engineer para sa tema at disensyo ng Road Haus.

Sa katapusan ng Mayo susunod si Jinkee sa Amerika para suportahan ang mister sa huling bahagi ng ensayo para sa laban kay Timothy Bradley. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino

05/08/2012 11:30 PM