Water lily, ginagawang mamahaling bags at furniture


Halagang $140 hanggang $320 ang halaga ng bags na ito.

Halagang $480 hanggang $1,000 naman ang gamit-pambahay na ito.

Lahat, gawa sa water lily.

Taong 2005 noong simulan nilang gamitin sa kanilang mga disenyo ang water lily o water hyacinth na pumatok sa Japan, France, Belgium at Amerika.

Binebenta ng P0.25 kada tangkay sa Las Piñas.

Mayroon din silang binebenta fruit basket, magazine basket, wine holder at lampshade, na gawa din sa water lily.

Pangunahing kabuhayan ito ng higit sa 50 pamilya sa Las Piñas.

Pamalit sa plastic ang water lily basket ng Muntinlupa at tulong kabuhayan sa Cainta.

Mayroon na silang water lily notebook holder, tsinelas at place mat.

Kung papalarin, sa Bahamas ang una nilang export project.

Gusto kong isipin na walang nilikha sa mundo para makapagdulot ng pinsala sa tao. Dapat siguro maging sensitibo tayo para malaman kung ano ang tamang paggamit ng mga ito.
 

06/24/2011 12:18 AMBookmark and Share