2 Pinoy kabilang sa 7 Magsaysay awardees ngayong taon


Maituturing itong taon nang pagkilala sa pagbibigay serbisyo sa komunidad.

Butas ng karayom ang pinagdaanan ng 7 Ramon Magsaysay awardees ngayong taon, na katumbas ng Nobel Peace Prize sa Asya.

So Tadatoshi Akiba ng Japan, na ipinaglalaban ang isang nuclear-free world; Huo Daishan mula China, na isinalba ang ilog Huai na inaasahan ng maraming komunidad sa Tsina; A.H.M. Noman Khan mula Bangladesh, ipinaglaban ang mga taong may kapansanan na tanggapin ng kanilang lipunan; Pan Yue at Fu Qiping ng China, kapwa ipinaglaban ang isang national environmental program; at si Christopher at Victoria Bernido mula Pilipinas para sa kanilang makabagong paraan ng pagtuturo ng siyensya sa mga mahihirap na komunidad.

Bawal sa Ramon Magsaysay Awards Foundation (RMAF) na magbigay ng award sa isang nakaupong politiko, bagama't mismong si Magsaysay ay kinilala sa pagiging mabuting presidente.

Ayon kay Emily Abrera, nang manalo si Cory Aquino noong 1998, ito'y para sa nagawa niya para sa kapayapaan.

Hindi tulad ni Barack Obama na nabigyan ng Nobel Peace Price habang pangulo.

Matindi ang listahan ng mga Pinoy na nanalo ng Ramon Magsaysay awards.

Mula kay Tony Meloto ng Gawad Kalinga, Lino Brocka, dating Chief Justice Hilario Davide, Grace Padaca, Jesse Robredo, dating Senador Jovito Salonga, ang yumaong si Haydee Yorac at Philippine Red Cross chair Rosa Rosal, nais ng RMAF na kilalanin rin ang mga nakababata.