Pinakamalaking Christmas Tree inilawan na!


Buwan pa lamang ng Setyembre pero ramdam na ramdam na dito ang kasiyahan at ngayon pa lamang ay sinasalubong na ang Kapaskuhan.

Siyempre hindi magiging kumpleto ang Pasko kung walang Christmas Tree at masarap na pagkain.

Ang tema, sarap ng Pasko!

Ngayon, ang sorpresa para sa lahat na higanteng Christmas Tree ay ipinakita at inilawan na.

Palamuti ng Christmas Tree ang larawan ng masasarap na pagkain ng 100 bayan sa bansa. 

Sinasabing ang Pilipinas ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko at ito ang panahon ng pagbibigayan at pagpagmamahalan.

Panahon din ito para sa pamilya at panahon sa pagkakaisa ng bansa na siyang layunin ng maagang selebrayon na ito.

Tuwang-tuwa namang ang lahat ng nanamasyal sa lugar dahil kakanta at sasayaw ang mga Pilipinas Got Talent winners tulad ni Jovit Baldovino at Baguio Metamorphosis.

Bukod sa mga pagkain,     isang magarbong fireworks display din ang gaganapin Sabado ng gabi. – Gretchen Malalad, Patrol ng Pilipino

09/04/2010 11:35 PMBookmark and Share