66-anyos na lola ipinagpatuloy pag-aaral sa kolehiyo
Abalang-abala ang 66-anyos na si Lola Ched Pingad sa paghahanda para sa kanyang klase bukas.
Second year na si lola sa kursong Bachelor of Science in Fisheries Education sa Laguna State Polytechnic University.
Disisais-anyos si Lola Ched ng huminto sa pag-aaral nang mag-asawa at asikasuhin ang 7 anak.
“Magmula ng mag-asawa ako, laba, luto,linis, laba, luto, linis, hatid ng bata,” ayon sa lolang kolehiyala.
Nang magtapos ang kanyang mga anak sa kolehiyo at pumanaw ang mister, tumulong sa simbahan si Lola Ched kaya maglibang sa Tong-its.
Sa isang kasama sa simbahan niya nalaman ang Alternative Learning System (ALS) ng DepEd. Doon siya nakakuha ng high school diploma para makapag-kolehiyo.
“Ngayon nalaman ko na may halaga pa pala ang buhay ko,” dagdag ni Lola Ched.
Kung dati, siya ang sumusuporta sa pag-aaral ng mga anak, siya naman ngayon ang tinutulungan sa mga assignments.
“Siya ngayon ang aming kolehiyala,” ayon kay Dr. Rebecca Pingad na anak ni lola Ched.
“We are supporting her 100%.” Ayon naman sa isa niyang anak na si Tin.
Nais maging guro ni lola Ched sa gma kapwa niya senior citizen at patunayang hindi pa huli ang lahat sa simumang nagsisikap. – Apples Jalandoni, Patrol ng Pilipino.
10/03/2010 11:42 PM








This kind of news article is
This kind of news article is good, sana naman the news and current affairs department will put effort to have at least one good news na mapapanood sa TV patrol gabi gabi, hindi yung puro na politics,crime,showbiz etc etc
pwede nyo i feature yung mga working students na nagsusumikao makapag tapos,yung mga tipong ganun ba.Because it gives idea to those who do not know..
Congrats to Lola and to your children,keep it up
You Go Girl!!!
Horaay for grandma!!!
I admire her for her effort.
Huwag lang po kayong maglalakwatsa baka pagalitan kayo ng mga anak ninyo!
Ingat lang po sa fraternity.