2,000 nakiisa sa BMPM Day


Madaling araw pa lang nakapila na ang maraming taong gustong magparehistro bilang mga Bayan Patrollers.

“Bayanihan Para Sa Kalikasan” ang tema ng selebrasyon ngayon ng BMPM, kaya naman sumalubong sa mga Patroller ang halos 20 booth ng mga non-government organizations (NGO) na may kanya-kanyang adbokasiya sa kalikasan.

Ilan sa mga ito ang anti-large scale mining, responsableng pag-akyat sa bundok, pag-ban sa toxins at paggamit ng water lily at mga diyaryo sa paggawa ng iba't-ibang kagamitan.

Rumampa rin ang mga modelong ito suot ang mga damit na yari sa recycled materials.

Hinikayat din ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang mga kabataan na ibigay ang mga naipon nilang anumang uri ng basura na puwedeng i-recycle, kapalit nito ang school supplies at grocery items.

“Para din po makatulong sa kalikasan,” sabi ng isang BMPM Patroller.

Nagbigay din ng inspirasyon sa pagkalinga sa kalikasan ang ilang mga ABS-CBN anchors, tulad ni Ted Failon na namigay pa ng backpacks sa mga estudyante.

Matindi rin ang paalala ni Kuya Kim sa pagpapahalaga sa kalikasan.

Nagpasaya rin at naghandog ng awit sina Yeng Constantino, Callalily at iba pang mga banda.

10/21/2011 10:52 PMBookmark and Share