Video tungkol sa mga OFW nakaantig ng puso ng mga Pinoy


Isang viral video ang kumakalat ngayon sa Internet at sa mga social networking site tungkol sa pangungulila ng mga kababayan nating OFW at ang madramang pagtatagpo nila ng kanilang pamilya ngayong Pasko. Nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol, Disyembre 4, 2011, Linggo

12/04/2011 8:44 PMBookmark and Share

2 comments

OFW Coca-Cola Video

Oo naman, nakakaiyak talaga ang video. At mabuti pa si Coca-Cola, nakaisip na bigyang-halaga ang mga OFW. Ang gobyerno na nakikinabang, puro lip service at ka-plastikan. ‘Mabuhay ka bagong bayani, OFW Express Lane!’..Sapat ba yun sa sakripisyo ng OFW? Pagpila at pagbayad na lang sa NBI, passporting, medical exams, kadaming fees at pamasahe sa eroplano, katakut-takot ang hirap at gastos. Minsan fake pa ang license ng kumpanyang pagtratrabahuan. Transmittal fees na nga lang ay mataas pa ang RP kumpara sa pagpapadala ng pera sa Africa at India. Perang para sa PAG-IBIG at SSS ay plano pang buwisan. Nasaan na ang plano noon na magtatag ng OFW Bank? Bakit di magbukas ng OFW window for blue chip stocks? Ito, maniniwala ako na sincere ang gobyerno kung si Noynoy at Binay would file a damage claim in behalf of the OFWs against the new Libyan govt. Settled na ang bagong Libya, pababayaan na lang ba ang mga OFW natin doon na nadislocate or unemployed or traumatized na nasa bansa? Noon sa Iraq war, pagkatapos ng giyera, nagkaroon ng damage claims ang mga OFWs. Bakit di gawin sa Libya? Galaw na po mga bossing, wag ng hintayin ang Coke ‘will add life..’


supper complaint,

supper complaint,