Pag-uulat sa BMPM para sa halalan mas pinadali

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

 Sa darating na halalan, mas lalo pang pinadali ang pagre-report ng mga anomalyang makikita ninyo sa inyong lugar. Gamit ang inyong Android o iOS mobile device gaya ng cellphone, madali niyo nang maipapadala ang inyong mga report.

Ang Halalan application na ginawa ng ABS-CBN sa pakikipagtulungan ng Commission on Elections ay maaari ninyong i-download sa Play Store o Apple Store ng inyong mobile device.

Kapag na-download na ang Comelec Halalan 2013 app, ilan sa mga features na magagamit ay ang voter status checker, ABS-CBN News updates at dito na mismo ay puwede nang mag-report gamit ang BMPM Tayo Na feature.

Kinakailangan lamang ilagay ang pangalan, lokasyon, detalye ng inyong report at ang larawan o video na inyong ipapadala.

Bukod sa Comelec Halalan 2013 application, maaari niyo ring i-download ang ABS-CBN News app para mag-report sa BMPM. TV Patrol, Enero 16, 2013, Miyerkules

01/16/2013 9:41 PM