Dami ng deboto ng Nazareno, ikinabit ng survey sa kahirapan


Pagod pa si Edson Comadre mula sa prusisyon ng Poong Nazareno pero bumalik ulit siya kaninang tanghali sa simbahan ng Quiapo para muling magdasal.

Nagtatrabaho siya sa pagawaan ng tocino at aminadong hirap sa buhay.

Nakikitira lamang sa pamilya ng kanyang asawa at pinoproblema rin niya ang panganganak ng kanyang 4 na buwang buntis na misis.

Naniniwala si Edson na ang Diyos lang ang makasasagot ng kanyang mga problema.

“Pinagdadasal ko na bigyan kami ng lakas ng loob,” sabi ni Edson.

Isa lamang si Edson sa milyun-milyong deboto na ang dasal ay sana ay gumanda ang kanilang buhay.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 38% o halos 4 sa bawat 10 Pinoy ang nagsabing mas masama ngayon ang takbo ng ekonomiya ng bansa kumpara nu'ng 2010.

Dagdag pa sa mga dasal ng mga deboto ay hindi na makaranas ang bansa ng mga kalamidad.

Ang pananaw sa pagsama ng ekonomiya at pagbayo ng ilang kalamidad ang tila naging dahilan ng paglobo ng bilang ng mga deboto ng Poong Nazareno.

“Nagiging mas madasalin. Hindi rin lahat ng nangangailangan ay mapupuntahan ng gobyerno at NGOs,” sabi ni Anna Tabunda ng Pulse Asia.

Kaya naman hindi na raw nakapagtataka na sa kasaysayan ng Pista ng Nazareno ay ngayon lang umabot sa 8.5 milyong deboto ang nakiisa.

Sa tingin din ng Pulse Asia, indikasyon na rin ito na kailangan ng kumilos ng gobyerno at tugunan ang panalangin ng mga deboto ng mas masaganang buhay. Gretchen Malalad, Patrol ng Pilipino

01/10/2012 10:56 PMBookmark and Share

1 comment

bad blood

one of the devotees makes my blood boil. my aunt has given his family help to kickstart their business. tapos, as soon as they received the money, nagwaldas kaagad sila. nagbakasyon sa boracay, ang mga anak at asawa ay namili ng cream na pampaputi, at namili rin sila ng mga damit at sapatos at mga alahas. even before they could start their business, bankrupt na sila

tapos, here they are again, asking god for a 2nd chance at deboto na naman uli sila.