Dacers want Lacson arrested immediately


Pinapaaresto ng pamilya Dacer si Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng Dacer-Corbito double murder case. Pansamantalang naharang kasi ang pag-iisyu ng arrest warrant laban kay Lacson matapos siyang maghain ng petisyon sa korte na humihiling na busisiin kung may basehan para kasuhan siya. Giit ng pamilya Dacer, hindi si Lacson ang pumirma sa petisyon dahil wala naman siya dito sa bansa. Exclusive, nagpa-Patrol, Ces Oreña-Drilon. TV Patrol World, Lunes, Enero 11, 2010

01/12/2010 12:06 AMBookmark and Share