Mga ebidensya sa crime scene sa Atimonan 'ginalaw'

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Hindi diumano shootout kundi ambush ang nangyari sa sinasabing engkwentro sa Atimonan, Quezon kung saan 13 tao ang napatay. May indikasyon din diumano na ginalaw ang mga ebidensya sa crime scene. Base ito sa kopya ng inisyal na report ng PNP fact-finding group at mga litrato sa crime scene na ipinakita sa ABS-CBN News. Nagpa-Patrol, Karen Davila. TV Patrol, Enero 14 2013, Lunes

01/14/2013 9:49 PM