Iggy, may ibinilin umano kay Aleli Arroyo
Si Alicia o Aleli Morales ay 26 taong gulang nang siya ay simulang ligawan ni Iggy Arroyo na noo'y nakipaghiwalay sa unang asawang si Marilyn Jacinto. Ikinasal sina Aleli at Iggy noong siya'y 32 anyos.
Siya'y anak ng isang kilalang mataas na opisyal sa bangko, nag-aral sa ibang bansa at kumuha ng masteral degree sa Amerika.
Ayon sa kanya, napahirapan din niya si Iggy sa panliligaw nito noon dahil seryoso siya sa kanyang pakikipagrelasyon.
“After six years, he chased me around the world. He got an annulment after two years. If you have debts with your previous marriage, settle it. Even if it’s not your debt, settle it. I really took the marriage vow seriously,” sabi ni Aleli Arroyo.
Sila ay nagkaroon ng isang anak na babae—si Alelu.
“I want to have a simple wake for him, and I hope the family understands. Gusto ko lang talagang maiuwi siya sa anak ko,” aniya. “How am I going to give her this news? Hindi namin alam kung life support ba o hindi.”
Ayon kay Aleli, kailanman ay hindi inaamin sa kanya ng kanyang asawa na mayroong isang Grace Ibuna.
At nang magkahiwalay na nga sila, napunta na raw sa kapariwaraan at bisyo ang dating asawa na tinawag nitong isang mabait na tao.
Nagsimula na raw itong mag-absent sa Kongreso at kahit na noon ay maysakit na, ay nagsimula ang bisyo ng paninigarilyo.
“Mahirap mag-judge, pero at least masasabi mong nag-iba na [si Iggy nang makasama si Grace Ibuna],” sabi ni Aleli.
Ayon kay Aleli ay maysakit na rin si Iggy nang sila'y magkasama at inalagaan din niya ito. Ngunit noon daw ay pagaling na rin sana ito sa kanyang pagkakaalam.
Nagulat siya nang malamang nasa London na pala ang asawa at lumubha na ang kalagayan.
Marami rin daw siyang naririnig na hindi maganda sa impluwensiya at epekto ni Grace sa buhay ng kanyang mister.
“We should stop celebrating adultery and glorifying homewreckers,” aniya.
Paliwanag ni Aleli na akala ng marami na ngayon lang siya naghahabol. Ngunit para sa kanya, malinaw na siya ang kinikilala ng mga pamilya at ng batas na legal na may karapatan sa labi ng kanyang asawa.
Tumawag daw ang mga kapatid ni Iggy sa kanya at sa kanya na pinagagawa ang desisyon tungkol sa katawan ng asawa.
“Pag ikaw ang legal wife, you don’t have to do anything. The law will protect you,” sabi ni Aleli.
Ayon kay Grace Ibuna sa London ay ang anak na lang ni Iggy na si Bianca ang makapagsasabi ng mga habilin ng ama.
Ngunit sabi ni Aleli, may binilin din daw si Iggy sa kanya noon.
“Hiniling ni Marilou kung puwede daw ba siyang dalhin sa Negros. Alam ko, gusto niya iyon,” sabi ni Aleli.
Nilinaw ni Atty. Lorna Kapunan na ang galit nila kay Grace Ibuna ay nang pumirma ito sa London
Clinic bilang next of kin ni Arroyo at malamang daw na siyang nagpahintulot na hugutin ang life support system nito.
“Why did she have to do that? She misrepresented herself as the common-law wife, Mrs. Grace Arroyo,” ani Kapunan.
Sabi naman ni Kapunan ay ipagpapaliban muna nila ang kanilang aksyong legal laban kay Ibuna at pararaanin muna niya ang pagbalik at pagpalibing sa asawa ng
kliyente.
“Sabi ng pari, 'di ka dapat magalit sa tao, ipagdasal mo na lang at magalit ka sa sin,” sabi ni Aleli.
01/30/2012 10:04 PM








Is it Just Me?
How come this Alicia or Aleli seem to have some similarities with Annabelle Rama "inside-out". MMMM... it's probably just me and my imagination....or should I call it "INSTINCT"...
hell has no fury . . .
hell has no fury like a woman scorn . . . aleli blamed grace for iggy's downfall and his many bisyo. aleli should also apportion some blame on iggy himself and his greedy siblings. how many times iggy has to stand up for his brother mike arroyo, taking mikes' many errors and sins and passing them as his own? iggy was mike arroyo's fallguy and whipping boy. that must have been very stressful for iggy. I think grace offered solace to iggy. maybe iggy nagpagamot sa london to have some peace and quiet and to escape aleli's domineering presence.
pera-pera lang yan!
kayo naman, kung ano-anong mga kinokomento at ibinabalita nyo pa dyan, kesyo may adultery, homewrecker, hospital consent. tigilan nyo na yan. bottomline, ang habol ng mga yan e ung iniwang kayamanan ni iggy. kahit pa sabihin nila na kasabwat si iggy sa mga kaso ni FG at GMA, intact pa rin ang kayamanan nya at yun ang puntirya ng mga naiwanan. hayaan nyo na lang sa telenovela yang mga paiyak-iyak ninyo. ndi na bobo ang pilipino...wais na to!!!
crying over spilled milk will
crying over spilled milk will not bring back the dead. it hurts but Iggy was clinically dead. the doctors cannot do anything anymore to resuscitate him back to life. so what case is she talking about. Iggy might have signed hospital consent forms that Grace is his next of kin to take care of decisions when worst comes to worst. so please ms. legal wife, stop crying and move on. he left you years ago! let him rest in peace with prayers. i know Iggy would not want you to do anything harsh against Grace Ibuna!
Karma bites
what irony !
“We should stop celebrating adultery and glorifying homewreckers,” aniya.
but she herself is a mistress, kabit and homewrecker after stating that she had a relationship with Iggy during his marriage with the first wife - “After six years, he chased me around the world. He got an annulment after two years"
In my dictionary - being a mistress is someone who is having a relationship with a man who is still cohabitating and living with his wife.
I guess to know one homewrecker is by being one homewrecker too...
there is a reason why she is called EX-wife. It is because her relationship with Iggy already ended. She is the wife of Iggy in legal terms only but is she the true wife in the true sense in the present tense?
puhlease let's drop this "AKO LEGAL WIFE" drama.
HONGA NOH!!! ANG ISDA
HONGA NOH!!!
ANG ISDA NAHUHULI SA SARILING BIBIG!!!!
DAPAT BAGO NYO INALABAS ANG PRESS RELEASE NATO EH PINA SCREEN NA MUNA NYA KUNG TAMA MGA PINAG SASABI NYA...
PERO IF SHES THE LEGAL WIFE,,,THEN SHOULD SHE BE THE ONE NA KASAMA NI IGGY SA LONDON?
I MEAN TO PUT MORE SENSE, KUNG IKAW YUNG ASAWA, KAHIT NA PAG SIKSIKAN MO SARILI NA SAMAHAN MO YUNG TAO KUNG MAS GUSTO NYANG IBA ANG MAKAKASAMA NYA....WOULD YOU FIND THAT REALLY ODD OR BETTER, BE ASKING YOURSELF KUNG IMPORTANTE OR JUST DOESNT WANT TO BE WITH YOU...
TSAKA ETO PA, IF THE WIFE IS SURPRISED NA NALAMAN NA LANG NYA NA NASA UK YUNG ASAWA...MAYBE THE HUSBAND DIDNT REALLY WANT TO LET HER KNOW????
Legal wife daw..
..legal wife daw...ang tagal mo na kayang iniwanan ni congressman. wake up stupid!!!