Llamas, nagpaumanhin kay PNoy matapos bumili ng pirated DVD
Nagsalita na si Presidential Political Adviser Ronald Llamas eksakto isang linggo matapos siyang makunan ng litrato ni Bandera Associate Editor Dona Policar habang bumibili ng mga piniratang DVD sa isang mall sa Quezon City.
Sa isang pahayag, sinabi ni Llamas na pormal na siyang humingi ng tawad kay Pangulong Aquino sa kahihiyan diumano na maaaring idinulot ng insidente sa administrasyon.
Pero iginiit din ng kanyang tanggapan na walang nilabag na batas si Llamas.
Naghain na rin siya ng sagot sa memo ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na pinagpapaliwanag si Llamas kung bakit hindi siya dapat maparusahan.
Ayon kay Llamas, pinili raw niyang manahimik muna para bigyang daan ang imbestigasyon.
Nakahanap naman ng kakampi si Llamas kay dating Pangulong Joseph Estrada .
“That's not a very important issue. Hindi naman nagnakaw iyan eh. Bumili pa nga eh," sabi ni Estrada.
Pero giit ni Estrada, dapat kumilos ang pamahalaan para matigil na ang pamimirata at mabigyan ng ibang ikabubuhay ang mga nagbebenta ng mga pirated CDs.
Una nang nadawit sa kontrobersiya si Llamas noong isang taon nang masangkot sa aksidente ang dalawa niyang staff at nadiskubreng may mataas na kalibre ng baril sa sasakyan ng kalihim.
Katwiran noon ni Llamas, may banta sa kanyang buhay at hindi diumano sinunod ng kanyang staff ang bilin na itago ang baril habang nasa ibang bansa ito.
Walang indikasyon na magbibitiw si Llamas kasunod ng panibagong kontrobersiyang kinasangkutan.
Pero nangako itong magiging maingat sa mga ikikilos sa hinaharap at handa raw siyang harapin ang magiging resulta ng imbestigasyon. Willard Cheng, Patrol ng Pilipino
01/30/2012 10:32 PM








▼ OK lang pirated copy kunwari pa kayongmga nagrereklamo ▼
Kunwari pa ang mga tao
halos lahat naman sila bumibili or
naka panood na ng palabas
from a pirated version
and tanong eh
bakit kapa bibili e libre naman sa internet
http://vvvvv piratedversion com
PAMBABABOY SA EKONOMIYA NG BANSA AT HACIENDA LUISITA FARMER
mga chinese naman ang nagpapakalat ng mga piratang dvd at LALO NA ANG DRUGS .BINABABOY NILA ANG ATING BANSA.TAYONG MGA PILIPINO AY DAPAT MAGBANTAY.IYAN ANG GINAWA NI CORY AQUINO, TINAKOT NILA (CPP/NPA- JOSE MARIA SISON CHINESE) ANG MGA INVESTOR AT MGA BUSINESSMEN PARA MAWAL ANG BUSINESS SA PILIPINAS.At kung magkakaroon man ng business ito ay mga CHINESE.Sabi pa nga niya sa companya niya na proudly PHILIPPINE MADE kasi mga Chinese product ang tangkilikin natin.MGA KABABAYAN LALO NA KABATAAN,ANG DAMING TRABAHO NOON SA PILIPINAS AT KAPAG NAGPUNTA KA NG ABROAD ANG MABIBILI MONG SAPATOS,JACKET,DAMIT AT IBA PA AY GALING SA PILIPINAS MADE.AYAW KO RIN SA MGA MARCOS PERO MAS AYAW KO SA GINAWA NG MGA COJUANGCO,SPY NG CHINA
akalain mo nga naman
akalain mo...ganun ganun na lang...sorry sorry na lang...guilty na nga to wala pang ginagawa si Pnoy...pero dun sa hindi pa guilty...sibak kaagad!
I thought there is a threat in his life that’s why he acquired license of a high-powered firearm, but now he was seen buying cheap illegal DVDs in a not so safe mall...by the way is the rifle really licensed? Nobody cared to investigate that if whatever he said to the press con then were true...now im calling to the attention of the investigative journalist Ms. Raissa Robles to look into that deeply.
Is Llamas telling us the truth, alongside with the PNP officials who “kuno” revoked the license of the AK-47(if it was ever licensed)..but did not charge him anything and instead charge Llamas aides (those poor servants) who were involved in the accident then with illegal possession of firearm and obstruction of justice?…The police then said they have nothing to charge Llmas…yeah right….how about he is the owner of the firearms and vehicle involved and asked his aides to remove the evidence from the scene(masterminding the obstruction of justice) as he narrated in the press con. in addition to that, coming from PNP itself, they ruled that while Filipinos can legally own any number of assault rifles under Executive Order 194 issued by then President Joseph Estrada, they are not allowed to bring them outside their homes, according to a Philippine National Police (PNP) circular issued during that year... so im asking Pnoy now, is that not enough to give the guilty verdict to Llamas...is this not proof beyond reasonable doubt...
and while on the contrary...in a case (like Mr. Gatdula’s case) where proof beyond reasonable doubt has not yet been established, the guilty nod was already passed on…
Do I still have to tell about the Rico Puno issue? Or allegations (however they call it)?…anyway he is still in the inner circle of PNoy, right?
Oh well…Do you notice the impartiality of PNoy here?...and that’s the daang matuwid…definitely no!
Yan ang mahirap sa Pangulo
Yan ang mahirap sa Pangulo natin ngayon. Kapag malapit sa kanya ang nagkakasala ay hindi pinapatawan ng kaukulang parusa pero kapag hindi nya kaalyado mabilis pa sa alas kwatro tanggal agad. Isang halimbawa ang nangyari kay Gatdula, purket siya ay member ng INC na kamember ni Cuevas, anu ang ginawa nila, sibak agad samantalang napagbintangan lang. Subalit si Llamas mismong huli sa akto bumibili ng pirated CDs at huli na may baril sa kanyang sasakyan nung maaksedinte, sinibak ba? Si Rico Puno, inaakusahang tumanggap ng milyong halaga mula sa jueting, nasibak ba? Anak ng jueting naman oh..
Sa palagay ko ay hindi
Sa palagay ko ay hindi sisibakin ni Pinoy si Llamas, tulat ng kanyang isa pang shooting buddy na si Rico Puno na tumatanggap ng milyon=milyong piso mula sa jueteng payola. Iyan ang problema nitong administrasyong ito, ihahabla sila Corona at GMA pero kapag ang mga kaibigan ni Pnoy ang nangungurakot ay hindi pinapansin at ipinagdidipensa pa nya. Yan ang "daang matuwid" na napakabaluktot.