EXCL: Mike, nainis kay Ping dahil sa bagong bintang

Nilinaw ni dating First Gentleman Mike Arroyo kung bakit nagkaroon ng 'di pagkakaunawan sa pagbigay ng pahayag sa pagpanaw ng kanyang bunsong kapatid na si Iggy.

Matapos kasing ianunsiyong patay na ang kongresista noong Huwebes, binawi ito at saka muling kinumpirma na tinanggal na ang life support at pumanaw na si Negros Occidental Congressman Iggy Arroyo.

Paliwanag niya, “Kasi ang unang tawag sa akin ni Grace sinabi patay na si Iggy. Tapos, nalaman namin na naka-life support system pala siya, so pinabawi namin nu'ng sinabi ng chief of staff niya na life support system. Eh kasi sa una ‘yon ang dinig namin eh, patay na eh.”

Pero, ayaw na niyang pag-usapan kung may sinisi siya sa nangyari sa kapatid.

Aniya, “I have no comment on that.”

Ngayon, gusto na lang sariwain ni FG kung gaano kabuting kapatid ang kanilang bunso.

Kahit ang sakit nito ay itinago raw niya sa kanila. Mabait daw si Iggy at ni minsan ay hindi sila nag-away.

“Iggy and I never fought, never, kahit bata kami, never. In fact, that boy, when I was going already to school and he was not yet going to school, he will wake me up everyday by jumping on my back,” pananariwa niya.

Ilang araw matapos mamatay si Iggy sa London, nagparamdam ito sa kanya.

Aniya, “Kinalabit niya ako tatlong beses sa paa para magising ako. Alam kong siya ‘yon kasi ginigising niya ako parati.”

Hindi naman pinalampas ng dating First Gentleman na ibulalas ang sama ng loob sa kawalan ng respeto ni Sendor Lacson sa kanilang pagluluksa. Kaugnay ito ng ibinulgar ni Lacson na may tinatagong P2 bilyon ang magkapatid sa bangko.

“Patay na si Iggy, hanggang ngayon sinasangkot niya sa Pidal. ‘Yan ang mali. Hindi pa nalilibing, hindi pa nabuburol ‘yan, he’s already saying so many things against my brother,” aniya.

At sa kabila ng kontrobersiyang bumabalot sa pagkamatay ng kongresista at paghahabol ng karapatang mabawi at maipalibing ng kanyang legal na asawang si Aleli, umapela si FG.

Giit niya, “If they have any love for Iggy, they should have peace and let Iggy get a decent burial and a dignified burial.”

Sa Sabado nakatakdang dumating ang mga labi ng kongresista mula sa London. Rose Eclarinal, Patrol ng Pilipino

02/02/2012 9:25 PMBookmark and Share

3 comments

Wag kang mainis ipakita mo kasi ang bank account nyo. Kung

sobrang laki eh kurakot nga kayo, Kung ogma naman eh di maibabalik nyo ang respeto ng tao sa inyo. Tapos gawing public ang account ng nasasangkot sa inyo kung sino ang magwithdraw dito sya ang may ARI pag wala ang mga Claim ibigay sa mahihirap na mga kababayan!
Nagparamdam ang iyong kapatid? Maari ginigising kayo para magpaka totoo na malay nyo warning yan para naman mapunta kayo sa langit kung oras nyo na. HA ha hA.
Decent and dignified burial? Buti si Iggi patay kayo buhay nga Dignified ba eh tinuturing kayong buwaya at magnanakaw! At siguro hindi rin tahimik ang buhay nyo kasi inis kayo kanyo?

Mike Pidal

Mahal na mahal ni Fatsoy ang kanyang kapatid na si Iggy. Kasi ba naman siya ang nagligtas sa kanya na umakong siya si Jose Pidal. Kapalit niyan ay impiyerno ang bagsak ni Iggy. Pero puwede naman sundin ni Mike ang kanyang utol.