Arroyo, puwede nang gamutin sa labas ng ospital


Hindi natapos ang talakayan sa korte kanina sa mosyon ng Comelec na ilipat na sa regular na kulungan si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Pero sa pagdinig, inamin ng doktor ni Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center na puwede rin siyang gamutin sa labas ng ospital.

“I asked him na kung she can be treated as an outpatient, sabi niya, ‘I think so,’” sabi ni Atty. Charlie Yap, abugado ng Comelec.

Nilinaw naman ng doktor na nagpapagaling pa ang dating pangulo.

“Kasi may complaints pa siya, may problema pa siya eh ‘di ginagamot pa siya,” sabi ni Dr. Antontio Sison, orthopedic surgeon sa VMMC.

Osteoarthritis sa batok at likod ang dinadaing ni Arroyo, bukod pa sa ilang mas magaan na karamdaman.

Giit ng depensa, hindi pa puwedeng lumabas ng ospital ang dating pangulo.

“’Yung mga sinubmit nilang mga documents ay ang ibig sabihin no’n ay hindi pa pwede, marami pa siyang pagdadaanang therapy,” sabi ni Atty. Benjamin Santos, abugado ni Arroyo.

Rumesbak naman ang mga tagasuporta ni Ginang Arroyo sa Pasay RTC, para tutulan ang posibleng paglipat sa kanya.

“Pakawalan niyo na ang ating mahal na Pangulo kasi ito’y naghahati sa ating bansa,” sabi ni Ramon de Leon ng Kongreso ng Maralitang Tagalunsod.

Dininig din kanina ang hiling ng depensa na payagan si Arroyo na dumalo sa lamay ni Congressman Iggy Arroyo.

Pero dahil wala pang detalye ang burol, hindi pa makapaglabas ng resolusyon ang korte ukol dito.

Hiniling din ng dating pangulo na makadalo siya sa libing ni Congressman Iggy.

Pero ngayon pa lamang, tumutol na dito ang PNP dahil sa inaasahang problema sa seguridad ni Ginang Arroyo. Atom Araullo, Patrol ng Pilipino
 

02/03/2012 9:46 PMBookmark and Share

9 comments

HINDI PUEDE MAKADALO SI GLORIA SA BUROL NI JOSE PIDAL

mAGKAGULO ANG BUROL NI JOSE PIDAL KAPAG NANDOON SI IGGY...DI BA HINGI NG PAMILYA NIYA PEACEFUL NA LIBING? THEN GLORIA SHOULD NOT BE THERE...MAGKAGULO...i TELL YOU!

DAHIL SO GLORIA IS DISASTER QUEEN!

Truth is violated by falsehood, but it is outraged by silence.

"Pakawalan ang mahal na Pangulo"...Si gloria?

"Pakawalan ang mahal na pangulo...si gloria ba? ay naku di mo alam ang sinsabi mo, bro. hindi siya dating pangulo at hindi siya pangulo kahit kailan daHIL DINAYA TAYO NA MGA MAMAMAYAN. pAANO MO NAGING MAHAL ANG MADAYANG TAO AT HINDI LANG IKAW ANG DINAYA...BUONG BANSANG pILIPINAS DINAYA AT PINAGNAKAWAN!

kAYA PUEDE BA GAMITIN MO NAMAN ANG UTAK NA BIGAY NG PANGINOON SA IYO...HUWAG KANG PADADALA SA NAKAW NA PERA!

Truth is violated by falsehood, but it is outraged by silence.

AT SIYANGA PALA...

AT SIYANGA PALA...HINDI SI GLORIA NARARAPAT SA ESPESYAL NA JAIL...DI KASI SIYA PANGULO...NINAKAW NIYA KAHIT ANG TITLE AT PUESTO NA ITO...GINAGO TAYO LAHAT AT ALAM NATIN IYAN...AT ALAM NATIN NA GINAWA NILA IYAN NG PAMILYA NIYA AT MGA COHORTS PARA MANATILI SA POWER AT MAITULOY ANG PAGNAKAW SA KAYAMANAN NG BAYAN...

ANO PA HINIHINTAY NG MGA AUTHORITIES NATIN? BAKIT BA PATULOY KAYONG NAGPAPAUTO SA MGA DRAMA NI GLORIA...IDOL NIYAN SI NORA AUNOR KAYA MAGALING IYAN SA DRAMA!

PLEASE NAMAN...IPASOK NA NINYO ITO SA BILANGGUAN WHERE IS FITTED AND THAT IS WHAT SHE DESERVE!

Truth is violated by falsehood, but it is outraged by silence.

▼ Kung lahat lang ng ikukulong ganito, dadami krimen ▼

Kung lahat ng ikukulong ganito,
dadami ang krimen.
Walang hiya, libre, gastos ng gobyerno.
naka aircon, libre gwardiya, libre masasarap na pagkain,
libre doktor, libre nurse, lahat libre
gayung ang kaso eh corruption.

lahat ng mga mahihirap gagawa nalang ng krimen
para mapabuti ang kanilang kalagayan.

video footage ng hospital at
yung kwarto yung pinaka mahal parang 5 star hotel sa ganda

http://vvvv hospitals com ph/Gloria_arroyo


ilipat yan sa mental doon sya

ilipat yan sa mental doon sya magpagaling...


ok lang ikulong si gloria sa

ok lang ikulong si gloria sa ordinary prison basta huwag din aangal ang mga tax payers sa gagastusin ng gobyernong tuwing dadalhin si gloria sa hospital para sa mga therapies or check ups nya... nung time ni erap magkano nga ba gasto tuwing dinadala ng mga pulis si erap sa hospital?


Gamutan sa labas

Sabi pala maari na sa labas ng ospital.Magagawa ang therapies sa labas,Sa ganun pera nila ang bayad,di sa mamamayan PInoy.

Decision na ng mga doctor.Ano pa and delay.

Talagang may arthritis na ang matatamda.pain pills kung kailangan at Physical therapy,na opera na,Wala nang susunod.

Perlita

3 solutions

1. gawing national penitentiary ang vmmc.
2. ilipat an selda sa room ni gma sa hospital
3. iburol ang bangkay ni jose pidal sa tabi ng kama ni gma

DADARD JUBAIL INDUSTRIAL CITY K. S. A.

▲ Kung lahat lang ng kulungan 5 sta hotel, dadami krimen ▲

Kung lahat ng ikukulong ganito,
dadami ang krimen.
Walang hiya, libre, gastos ng gobyerno.
naka aircon, libre gwardiya, libre masasarap na pagkain,
libre dokot, libre nurse, lahat libre
gayung ang kaso eh corruption.

lahat ng mga mahihirap gagawa nalang ng krimen
para mapabuti ang kanilang kalagayan.