PNoy, tinanggihan ang pagbibitiw ni Llamas
Sa harap ng mga natanggap na batikos, nag-alok si presidential political adviser Ronald Llamas na magbitiw na sa puwesto matapos lumabas sa media ang kanyang litrato na bumibili ng mga piniratang DVD sa isang mall sa Quezon City.
Ayon sa sources ng ABS-CBN, personal na nagprisintang mag-resign si Llamas nang makausap niya si Pangulong Aquino noong Biyernes.
Noon din, humingi ng paumanhin si Llamas kay Aquino dahil umano sa kahihiyan na maaaring idinulot ng insidente sa administrasyon, pero hindi raw tinanggap ng pangulo ang alok ni Llamas na magbitiw.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na walang kinalaman sa trabaho ang kanyang nagawa.
Paliwanag ni Undersecretary Abigail Valte, "The President has already stated categorically that Secretary Llamas still enjoys the trust and confidence of the appointing authority."
Gayunman, pinaimbestigahan pa rin ng Pangulo si Llamas sa tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. at may parusa pa rin daw na ipapataw sa kanya.
Batid ni Llamas ang epekto ng kanyang nagawa. Lumalabas na hindi siya ipatatanggal sa puwesto at bibigyan siya ngayon ng pagkakataon na tuparin ang pangakong magiging maingat na mula ngayon. Willard Cheng, Patrol ng Pilipino
02/03/2012 10:52 PM








Pasok daw
Pasok po ba ito sa Tuwid na daan?
Nakakalungkot talaga ito.
Anong parusa? Babarilin nya lahat ng pirated dvd na nabili niya?
paalala po, TUWID NA DAAN.
m buying pnoy's decision
pnoy believes there's nothing wrong with supporting (buying or downloading) pirated goods. it's a practical and quite average answer which i accept.
pnoy wants llamas service. pnoy doesnt want the nbi director. if u compare, llamas bought a pirated dvd -nothin to do with his job -technically correct.
while former nbi director messed up when he did not follow pnoy's orders and is allegedly part of the crime. now, that has to do with his job. he did mess up.
to those below my comment that doesn't buy pnoy's decision. mga ipokrito mga yan. they also buy and download pirated products. ngmamarunong lang mga yan.
BINABABOY NINYO ANG PILIPINAS
mga chinese naman ang nagpapakalat ng mga piratang dvd at LALO NA ANG DRUGS .BINABABOY NILA ANG ATING BANSA.TAYONG MGA PILIPINO AY DAPAT MAGBANTAY.IYAN ANG GINAWA NI CORY AQUINO, TINAKOT NILA (CPP/NPA- JOSE MARIA SISON CHINESE) ANG MGA INVESTOR AT MGA BUSINESSMEN PARA MAWAL ANG BUSINESS SA PILIPINAS.At kung magkakaroon man ng business ito ay mga CHINESE.Sabi pa nga niya sa companya niya na proudly PHILIPPINE MADE kasi mga Chinese product ang tangkilikin natin.MGA KABABAYAN LALO NA KABATAAN,ANG DAMING TRABAHO NOON SA PILIPINAS AT KAPAG NAGPUNTA KA NG ABROAD ANG MABIBILI MONG SAPATOS,JACKET,DAMIT AT IBA PA AY GALING SA PILIPINAS MADE.AYAW KO RIN SA MGA MARCOS PERO MAS AYAW KO SA GINAWA NG MGA COJUANGCO,SPY NG CHINA
lols... onting delicadeza
lols... onting delicadeza naman sa mga opisyal ng gobyernong ito... kala ko ba tuwid na daan sila at hindi tulad ng nakaraang administrasyon... pag KKK hindi sinisibak... anu na nangyari dun kay puno sa luneta massacre?
â–Ľ OK lang pirated version kunwari pa kayongmga nagrereklamo â–Ľ
Kunwari pa and mga tao
halos lahat naman sila bumibili or
naka panood na ng palabas
from pirated version
and tanong eh
bakit kapa bibili e libre naman sa internet
http://vvvvv piratedversion com
nice
nice! i like that!