Corona nagpasaklolo sa SC para itigil ang impeachment trial
Si Chief Justice Renato Corona na mismo ang nagsabi noon na tiwala siyang magiging patas ang gaganaping impeachment trial laban sa kanya.
Pero kanina, naghain ang punong mahistrado sa Korte Suprema ng petisyon na ideklarang walang bisa ang impeachment complaint at ipatigil ang impeachment trial.
Humiling siya ng agarang TRO.
Ang naging mitsa -- ang utos ng Senado na buksan ang umano’y bank accounts niya sa BPI at PSBank na hayagang paglabag aniya sa confidentiality ng bank accounts ng sinumang mamamayan.
Giit ni Atty. Tranquil Salvador, "Kung bakit po namin dinulog, kasi wala pong pupuntahan eh. Ang tao po, kumbaga ay isipin niyo na lang ho na kami ay isang pusa o isang daga na nasa corner ka, wala ka na hong tatakbuhan eh."
Agad umaray ang prosekusyon at hinamon si Corona na buksan ang bank accounts kung walang tinatago.
Giit nila, hindi rin siya dapat humingi ng saklolo sa kanyang sariling teritoryo.
Sabi ni Rep. Erin Tañada, "Maliwanag po sa amin na sila’y natatakot na kung ano ang puwedeng mailabas ngayong araw.”
Pero giit ng kampo ni Corona, karapatan ng sinumang mamamayan na dumulog sa korte kapag inaapakan ang kanyang mga karapatan.
Binansagan ni Corona na isang “fishing expedition” ang nagaganap sa Senado.
Hindi lang daw siya, kundi ang kanyang buong pamilya ang nasisira sa mata ng publiko.
Naghain na rin ng motion si Corona na mag-inhibit sa petisyon niya ang mahigpit na karibal na si Associate Justice Antonio Carpio at isa sa mga appointee ni Pangulong Aquino na si Associate Justice Maria Lourdes Sereno dahil hindi raw maaasahang magiging patas sa kanya ang mga ito.
Bagama’t isang impeachment trial na may aspeto ring pulitikal, giit ni Corona dapat nananaig pa rin sa paglilitis ang proteksyon ng batas at mga tamang proseso alinsunod dito.
At bilang punong mahistrado ng Kataastaasang Hukuman at pinuno ng ikatlong sangay ng gobyerno, obligasyon niyang ipaglaban ang mga ito. Ina Reformina, Patrol ng Pilipino
02/08/2012 11:08 PM








Kapal ng mukha
Ang Kapal ng mukha ni Corona, gusto pang magtago sa saya ng SC. Kung talagang hindi ka kurakot ilabas mo ang katotohanan! Nakakahiya ka Corona.
Walang Delikadesa. Kapit tuko.
Ang nakakatawa pa. Hihingi ng saklolo sa SC. E, ang nasasakdal ang siya mismong head ng SC. Anong choices pa ba mayroon? Kung may delikadesa ba naman itong Cheap justice na ito oo. Diyos na mahabagin, Nakuha pang magnobena.
Iisa lang ang kasagutan, Kapit tuko na ito at gagawin na ang lahat dahil unti unti nang nabibisto ang mga lihim. No way out na itong Cheap Justice. Kung magtagumpay ka man sa iyong madilim na hangarin, ang Diyos at sambayanan ang hahataol sa iyo!!!!
Nasan nga pala si Bp. Cruz, ang tiga pagtanggol ng mga naaapi, este nang-aapi? Di bat avid supporter ito ni Cheap Justice? Nakakatulog pa kaya ito sa gabi?
walang delikadesa
Ang nakakatawa pa. Hihingi ng saklolo sa SC. E, ang nasasakdal ang siya mismong head ng SC. Anong choices pa ba mayroon? Kung may delikadesa ba naman itong Cheap justice.
Iisa lang ang kasagutan, Kapit tuko na ito at gagawin na ang lahat dahilunit unit nang nabibisto ang mga lihim. No way out na ito Cheap Justice. Kung magtagumpay kaman sa iyong madilim na hangarin, ang Diyos at sambayanan ang hahataol sa iyo!!!!
Ang nakakatawa pa. Hihingi ng
Ang nakakatawa pa. Hihingi ng saklolo sa SC. E, ang nasasakdal ang siya mismong head ng SC. Anong choices pa ba mayroon? Kung may delikadesa ba naman itong Cheap justice.
Iisa lang ang kasagutan, Kapit tuko na ito at gagawin na ang lahat dahilunit unit nang nabibisto ang mga lihim. No way out na ito Cheap Justice. Kung magtagumpay kaman sa iyong madilim na hangarin, ang Diyos at sambayanan ang hahataol sa iyo!!!!
Pusa at daga
O..Ato, mukhang lahat ng pinagsasabi mo noon ay kinakain mu na ngayon. Sabi mo wala kang itinatago, at hindi ka magnanakaw. Sabi mo ngayon ay fishing expedition lang. Ang nakakatuwa ay, sukat ba namang may isdang nahuli! At ikaw naman mr cool (Tranquil)..ang pusa ay naghahanap ng pagkain para mabuhay, at ang daga ay nagnanakaw ng pagkain para mabuhay. Ang masakit lang na nagkataon na ang daga ay isang delicacies ng pusa. Yari ka daga ka (sarap mo).
Kawawang PIlipinas!!!! Ipinagkakait ang katotohanan.
Kawawang PIlipinas!!!! Ipinagkait ang katotohanan. Tila nasukol na ang depensa na parang daga at naghahanap ng matatakbuhan. Mukhang hindi na natin masisilayan ang tunay na katotohanan sa mga ginagawang pag delay at technicalities ng depensa. Sumigi lang kayo!!! Wala nang tiwala bayan sa inyo!!!! Sinong maniniwala pa sa inyo!!!! Wala kayong sundalo , kayo kayo lang.