Miriam, hindi pa handang bumalik sa impeachment trial


Naka-sick leave pa rin si Senator Miriam Defensor Santiago dahil sa kanyang hypertension.

Pero hindi pa rin ito nakapigil sa senadora para pumunta sa isang conference ng mga eksperto sa hypertension at bumanat laban sa mga nagpapataas daw ng blood pressure niya sa impeachment trial, kasama ang mga nagpapapogi raw sa camera.

Giit ni Santiago, mas mataas ang impeachment court kaysa sa Supreme Court kaya hindi dapat makialam ang mga mahistrado sa impeachment trial.

Pero dapat daw maresolba kung ano ba ang saklaw ng dalawang korte.

Pinanindigan din niya ang kanyang apela laban sa pagbukas ng mga bank account bilang ebidensya.

“The effect on our economy would be devastating. I’m very afraid that there might be a bank run,” sabi ni Santiago.

Sa ngayon, hindi pa raw siya handang bumalik sa impeachment court lalo’t nasa 160/100 ang kanyang blood pressure.

"I might lose my temper and develop a stroke or heart attack. I don't really mind death. The only question about death is whether there is sex after death,” sabi ni Santiago.

Aminado rin siyang nakakabagot ang impeachment trial.

“Ano bang pinag-uusapan ng mga gagong ito? I’m surrounded by illiterates,” sabi ni Santiago.

Naaalibadbaran din daw siya sa isang karakter sa paglilitis.

"Tuwing nakikita ko ang mukha mo, parang gusto ko nang sumigaw ng, 'Objection!'” pagbibiro ni Santiago.

Pero sa kabila ng kanyang karamdaman hindi pa rin siya nawalan ng gana gumawa ng mga panibagong joke.

Girl: Saan tayo magde-date sa Valentine's?
Boy: Sa sementeryo.
Girl: Bakit doon?
Boy: Para mapatunayan kong patay na patay ako sayo. Niko Baua, Patrol ng Pilipino

02/08/2012 11:04 PMBookmark and Share

3 comments

Miriam, Makinig ka at Hinde pa huli ang lahat!!

Magaling ka nga sa juresprudence, pero mahina ka naman makitao. Tandaan mo na ang tao ay may feelings rin. Hinde sila mga bato o yerro sa mga sigaw-sigaw mo. Sila ay may damdamin rin na gaya mo. Pag sinaktan mo ang damdamin nila ay magtatanim ng masamang loob sa iyo. Gusto mo ba yon? Respetuhin mo sila at respetuhin ka rin nila. Gaya ng Golden Rule: “Do unto others as you would have them do unto you”. Ika nga.

Ang buhay ay parang weather-weather lang ang sabi ni kuya Kim ng ABS-CBN news. Mabuti at ngayon malakas ka sa pangangatawan at matalino pa. Huwag kang sikat kisyo mag swear ka na bilang International Criminal Court judge. One day magkaroon ka nang cancer o ma accidente o ma massive stroke. Possible yan at parati ka nang absent sa Senado dahil sa hypertension at yan ang napala mo sa pagka madaldal mo. Maswerte ka pa rin at mild stroke lang yan. Ay kong massive? baka ka pa mangiwi, ma paralyze dahil sa sobra mong daldal o galit. Ang tanong: Anong legacy ang iiwanan mo​? Pagka madal-dal na politician, daldalirang empeachment judge at iba pa?

My advice to you Miriam, ay huminahon ka, keep your cool. Huwag kang arrogante, escandalosa, gregarious, abusive, dispicable, tactless, ruthless, at domineering. Relax at dahan dahan lang ang pananalita baka mahulog na yang posteso mo. Mapahiya ka pa sa madlang people. Hinde lang Pilipinas ang covered ng internet kundi boong mundo.

Huwag parating galit, parating stressed out, huwag kang highly strung. Na parang ikaw ang sikat diyan sa Senado. Tingnan mo ang kapwa mo senators mahinahon silang lahat except you and you alone na escandalosa. Hinde sila hina highblood na gaya mo at relax sila.

Kaya magbago ka na, basahin mong mabuti at isa-isahin mo ang mga negative comments sa iyo sa blog na ito. Gawin mong salamin ito, kung ano ang paningin at masamang feelings namin sa iyo ay ganon ka sa mga mata namin na hambog. Huwag kang mag provoke na magalit ang mga tao sa iyo.

Hala ka, Miriam, ikaw rin at kawawa kanaman. Baka ka ma massive stroke at sumunod kay Iggy Arroyo. Sayang na sayang ang talino mo pa naman sa juresprudence. Kaya magbago kana at hinde pa huli ang lahat...


such an idiot!

i prefer her to be in icc so ph will be minus one maniac.


Pahinga

Miriam..ganyan. Pahinga ka muna. Pabayaan mu silang mag away away doon..ang mas importante ay ang inyong health. So what kung ma impeach si colokoy corona at least bababa ang iyong alta presyon. You must remember that you are going to the ICC. Kapag nandoon ka na..mayroon na kaming maipagmamalaki na may isang Pilipino na nakaupo sa ICC. Mabuhay ka Miriam!