SC pinigil ang pagbubukas ng umano'y foreign currency accounts ni Corona


Maghapong pinag-usapan ng mga mahistrado sa special en banc session ang magkahiwalay na petisyon ni Chief Justice Renato Corona at Philippine Saving Bank (PSBank) na isinampa kahapon.

Sa botong 8-5, pinigilan ng mayorya ang Senado na ipatupad ang subpoena nito sa PSBank sa umano’y foreign accounts ng punong mahistrado.

Bumoto pabor sa temporary restraining order (TRO) sina Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Arturo Brion, Roberto Abad, Jose Perez, Lucas Bersamin, Martin Villarama Jr. at Jose Mendoza at maging si Bienvenido Reyes na appointee ni Pangulong Aquino.

Isinaalang-alang daw nila ang Foreign Currency Deposit Act sa naging resolusyon.

Hindi naman pabor sa TRO sina Associate Justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta at Mariano del Castillo, na nahaharap din sa impeachment proceedings sa Kamara, at mga appointees ni Pangulong Aquino na sina Ma. Lourdes Sereno at Estela Perlas-Bernabe.

Nag-inhibit naman sina Corona at Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

Pumirma kasi sa impeachment complaint ang kanyang anak na kongresista.

Agad nagbabala si Congressman Rudy Fariñas na ii-impeach ang walong mahistradong bumoto pabor sa TRO at siya daw ang magpapasimuno nito.

Nanindigan naman ang Malacañang na walang hurisdiksyon ang Supreme Court sa impeachment trial.

Giit ng Palasyo, tila ba gusto ng kampo at mga tagasuporta ng punong mahistrado na magkaroon ng constitutional crisis sa ginawa nito.

Pero nanindigan ang Korte Suprema na dapat kilalanin ng Senado ang TRO.

Hindi naman nagkabotohan sa hiling na TRO mismo ni Corona na ipatigil ang impeachment trial dahil kailangang magkaroon ng re-raffle sa petisyon matapos mag-inhibit ang sana’y justice-in-charge na si Justice Velasco.

Sa ngayon, ang aksyon ng Korte Suprema ay pasagutin sa loob ng 10 araw ang Senado at mga bangko na pinangalanang respondents sa kaso.

Samantala, ikinatuwa naman ng depensa ang pagpigil ng Supreme Court na mabuksan ang umano'y dollar accounts ni Corona.

Kinumpirma raw nito ang confidentiality ng foreign currency deposits.

Pero ayon sa depensa, hindi ito indikasyon kung paano tutugon ang Korte Suprema sa kanilang petisyon kaugnay pa rin sa pag-subpoena sa mga bank account ni Corona.

02/09/2012 9:26 PMBookmark and Share

10 comments

Corona Should Disclose Dollar Accounts

Govt employees from top to bottom are required by law to make a public disclosure of all their assets including cash on banks, and in fact, one of the reasons why Corona is being impeached was his failure to disclose his assets accurately and on time. Now, the impeachment board is in a quandary over what to do with Corona's several bank dollar accounts which Corona REFUSES to make public during the trial and on nationwide TV coverage. Why is he being allowed to do that? By doing that isn't he openly committing the exact offense which he is being accused of - failure to disclose assets including cash on banks? My gosh, he has not only failed to disclose but he continues to fail and continues to refuse to disclose, and he is doing it right in front of the senator-judges who are tasked to find out if he has indeed committed that offense!


The SC that we have

This just show the people what kind of SC they have...If I were Corona, I'll open everything up and show everybody I have nothing to hide....I wonder why he doesnt want to, principle? or principal?


Boycot psbank and metrobank

Boycot psbank n metrobank with same owner.
Sila ang pasimuno ng pagfile ng TRO
Sa supreme court because if hindi sila
Nagfile hindi naman pwede maglabas ng TRO ang supreme court
for the love of the Filipino people and our country
I will withdraw all of my accounts
From these banks.
Ang BPI hindi humingi ng TRO
ang psbank lang
Para pagtakpan si corona.
Si rizal nagpabaril para sa atin.
Tayo, the least we can do is
Show our disgust to Psbank n Metrobank
By withdrawung our accounts and sending
Them a note that we are disgusted with them
Protecting a person who stole from us
And kept it in their bank.
Parang ninakawan ka ni JUAN,
ipinatago nya kay PEDRO,
pinuntahan mo si PEDRO,
at sinabi mo kay PEDRO,
isoli mo sakin yung pera na ninakaw ni JUAN.
Ang sagot sayo ni PEDRO,
MANIGAS ka, kikita kami sa deposit na yan
Dahil lahat ng deposit dito may kita kami
Mula sa mga uutang sa amin.
Interest na Ibibigay namin sa depositors mga 3%. lang
Pero 10% singil namin sa uutang samin
Tulad ng business, housing at car loan
Tubong lugaw.
Wala kaming pakialam sayo kahit ninakaw sayo yung pera.


Si CJ na lang ang hari may korona naman sya at mas magaling SC

Nasa Constitution yong mga government official dapat magdivulge ng SALN sa public. Kung di superior ang SC, bakit nagawa nilang mag issue ng circular na ang mga justices ng SC ay pwede lang magfile at di di pwedeng ilabas sa public on their assumption, suspicion na baka gamitin ito sa kanila kung gagawa sila ng adverse decision. Kung ang executive, senate at congress ay di exempted, bakit sila nagagawa ito. Asan ang co equal dyan. Sabi nga ng defense ni Corona yong ill gotten ay suspicion lang kaya sila nag oobject. Mag oobject din ako dahil suspicion lang na baka gamitin sa kanila. At kung wala kang ginagawang pagnanakaw ano ang kinatatakot ng mga justices para ilabas ang kanilang SALN


Mas bilib talaga ako sa SC, sa susunod sa CJ na lang ako

Nasa Constitution yong mga government official dapat magdivulge ng SALN sa public. Kung di superior ang SC, bakit nagawa nilang mag issue ng circular na ang mga justices ng SC ay pwede lang magfile at di di pwedeng ilabas sa public on their assumption, suspicion na baka gamitin ito sa kanila kung gagawa sila ng adverse decision. Kung ang executive, senate at congress ay di exempted, bakit sila nagagawa ito. Asan ang co equal dyan. Sabi nga ng defense ni Corona yong ill gotten ay suspicion lang kaya sila nag oobject. Mag oobject din ako dahil suspicion lang na baka gamitin sa kanila. At kung wala kang ginagawang pagnanakaw ano ang kinatatakot ng mga justices para ilabas ang SALN at


Nabalewala ang power ng Senate

Tila kayang kayang talunin ang Senate. Lumalabas tuloy na nabalewala ang Senate. Hmmm, ano kaya ang magiging reaksyong ng Senate. parang sampal ito sa Senate.

Kawawa naman ang Senate, tila walang magawa. mag ba-bow na lang ba sila sa TRO na ito?

Ayos na, safe na ang dollar account!!!


Nakakaintriga talaga yung dollar bank account

Kailangnang malaman ng sambayanan kung magkano ang dollar account ni CJ.

Hmmm... palagay ko hindi makakatulog ang sambayanan sa kaka kung gaano kalaki ang pera na yon at saan galing.

Tila hindi na natin makikita ang katotohanan....

Nakakaintriga talaga.... Kung walang itinatago bakit panay at pagpigil sa ebidensya????? eto ba ang pinagNovena nila??? mahabaging langit!!!!


Law protecting criminals($ bank acc.)

Law passed during Marcos dictatorship, had been around for 40 years. I'll gotten wealth can easily be hidden in a Phil. Bank by converting pesos to dollars. A conspiracy by the bank, government officials protected by the law. Calling the attention of our good government and lawmakers to removed this law protecting criminals...


If Corona is not hiding

If Corona is not hiding anything, he must allow the impeachment court to check his dollar deposit accounts otherwise he must be hiding something! Smells fishy!


Law makers are LAW BREAKERS! do the right thing it only shows

that if you don't want to see evidences it only show one thing you are corrupt! Kahit ano pa na rules and regulations and what ever law you are following the main thing is it so obvious that corona use his position to do corrupt practices. Ano pa ang question doon mga kasuka sukang taga inJUstices? kakahiya kayo! Marami rin ba kayong nakuhang pabor sa posisyon nyo. Mga kababayan magsiyasat sa mga inJUstices na mga ito.