Mga eksperto, nagbabala sa hindi pagsunod sa TRO ng SC
Nagbukas ng dollar account si Dei dahil mas malaki ang interes nito kaysa sa ordinaryong peso savings account.
Sabi ni Dei, okay lang bulatlatin ito ng gobyerno.
“That’s hard-earned money, alam ‘yan ng tao. Wala naman akong tinatago,” sabi ni Dei.
Pero para kay Jacqui at sa mga kaibigan niyang overseas Filipino workers, gusto nilang panatilihing pribado ang kanilang dollar accounts para sa kanilang seguridad.
“Anything with a dollar sign, it glitters... Baka holdapin o looban,” sabi ni “Alma."
Pinoproteksyunan ng batas ang mga depositor na tulad nina Dei at Alma.
Ayon kasi sa Section 8 ng Republic Act 6426 na ipinatupad noong 1974, confidential ang anumang foreign currency deposit na tulad ng dollar accounts.
Puwede lang itong busisiin ng gobyerno kapag pinayagan ng depositor.
Ito rin ang batas na pinanghawakan ng Korte Suprema nang maglabas ito ng temporary restraining order (TRO) sa pagbusisi ng umano'y dollar accounts ni Chief Justice Corona.
Sabi ng mga eksperto sa Saligang Batas, kailangan sundin ng Senado ang TRO dahil sakop ng kapangyarihan ng Korte Suprema ang interpretasyon ng batas.
“Everybody has to accept that. Not because the Supreme Court is superior but because the Constitution says so. All of them bow to the Constitution, it just so happens that the responsibility of interpreting the final meaning of the law is given to the Supreme Court,” sabi ni Fr. Joaquin Bernas, dean emeritus ng Ateneo Law School.
“Kung mapagpasiyahan nila na ibalewala ang TRO ng Supreme Court, ang mag-suffer diyan ay ang rule of law. Mag-uumpisa na ang hindi pagtupad sa mga utos ng mga hukuman,” sabi ni Fr. Ranhilio Aquino, dean ng Graduate School of Law sa San Beda College.
Sa ngayon, may ilang mga panukala na sa Kongreso para amyendahan ang foreign currency act.
Aminado ang mga eksperto sa batas gaya ni Fr. Bernas, posibleng abusuhin ng mga tiwaling opisyal ang dollar accounts para itago ang kanilang mga nakaw na yaman.
Pero hangga't umiiral ang batas na ito, kailangan itong sundin. Jing Castañeda, Patrol ng Pilipino
02/10/2012 9:39 PM








nakatutuwa talaga ang mga
nakatutuwa talaga ang mga pinoy. napakagaling sa lahat ng bagay.
tanggalin nalang kaya ang batas o yung constitution na yan. tanggalin na rin mga senado lahat ng sangay ng gobyerno tanggalin ng libre tayo gagawa anu man ating gusto. wala ng batas batas. nasisira na ang ulo nga mga abogado sa dami ng batas.
tatawa nalang ako mag- isa nakakatuwa ang galit ng mga commentator dito hehehe..
Experts!!!
Their opinion is also colegial in nature.
Bernas and that dean of law. They all lawyers by profession.
These persons are not expert at all, if they are, they should have prevented Arroyo to do midnight appointment and Bersamin to manipulate the Law.
What Bernas and the other person is talking about are crap!!!
By not disclosing the SALN, Corona can be jailed.
Read Raissa Robles, article
Corona-led Supreme Court OK’d jail for 2 SALN cheats
An exclusive, by Raïssa Robles
Posted at 02/06/2012 5:54 PM | Updated as of 02/06/2012 5:54 PM
hiding behind skirt of secrecy of foreign currency depoits
hindi nagbigay ng exemption ang batas sa klase ng assets o cash on hand na kailangan i-disclose sa SALN ng public official. dapat i-disclose lahat sa SALN, kasama din idisclose yun foreign currency deposits kahit "absolutely confidential" kuno, kasi sabog ang intent of the law sa SALN kung yun mga magnanakaw sa gobyerno itatago na lang ninakaw nila sa foreign currency deposits tapos wala nang pwedeng makakita, kahit DOJ, husgado, o impeachment court. yun right of "absolute privacy and confidentiality" ng foreign currency deposits ay subject sa paramount public interest doctrine, at ang SALN ay to protect the public interest. Read the law itself:
RA 6713 (Law Creating SALN):
SECTION 4. Norms of Conduct of Public Officials and Employees. — (A) Every public official and employee shall observe the following as standards of personal conduct in the discharge and execution of official duties:
(a) Commitment to public interest. — Public officials and employees shall always uphold the public interest over and above personal interest.
SECTION 16. Repealing Clause. — All laws, decrees and orders or parts thereof inconsistent herewith, ARE DEEMED MODIFIED ACCORDINGLY, unless the same provide for a heavier penalty.
klaro sa batas na mauuna ang public interest kaysa personal interest. also, nauna lumabas ang foreign deposits secrecy law, huli ang RA6713. sa batas , yung huling batas, laging binabago nya epekto noong nauna batas kung may conflict ng epekto.
yun mga kumakampi kay corona tungkol sa $$$ deposits nya ay pumapayag na itago ni corona katotohanan sa $$$ deposits nya, kasama na rito si joaquin bernas, na nagpapanggap na constitutionalist, but who is just an opportunist na ginagamit ang stature nya para ipagtanggol ang mga katulad ni corona at ni GMA.
Expert my ass
Do these experts, look at the intent of the law? Protektado ba ng batas ang mga kawatan? Duda ako sa mga Damasong ito, buti pa tumigil na kayo. Lalo lang nawawala ang pag-galang ko sa inyo. Galante kasi ang mga kawatan kung mag-donate sa inyo, ano?
Expert my ass
Do these experts, look at the intent of the law? Protektado ba ng batas ang mga kawatan? Duda ako sa mga Damasong ito, buti pa tumigil na kayo. Lalo lang nawawala ang pag-galang ko sa inyo. Galante kasi ang mga kawatan kung mag-donate sa inyo, ano?
WHAT THE
WHAT THESE EXPERTS? KEEP SAYING ARE FULL OF CRAP!!
THEIR OPINIONS AS FORM OF COMMUNICATION TO THE JUSTICES IN THE SUPREME COURT TO BE BOLDER IN SAVING THEIR COLLEGUE.
JUST ANALYZE WHO ARE SPEAKING, BERNAS IS A LAWYER THE DEAN IS LAWYER, NOW WHERE DOES THEIR SYMPHATY WOULD BE.
THIS IS A MATTER WHO YOUR FRIENDS ARE. BERNAS JUST SHUT UP, YOU ARE TALKING BECAUSE YOUR NEPHEW IS MARRIED TO AN ARROYO.
AS LONG AS CORONA IS IN THE SUPREME COURT ARROYO IS SAFE.
WHAT YOU AND THAT DEAN OF LAW IS TALKING ABOUT ARE FULL OF CRAP.
TEACH LAWYERS TO BE ETHICAL AND UPHOLD THE FILIPINO VALUES.
8 VS 288
Parang mga Dyos ba tong mga hurado. Walong tao lang ang nag muni-muni at nag disisyon, kailangang manginig na ang lahat sa kanila at sumunod. Walang nakikialam at walang nakaka-alam sa proseso nila, kung pano nila napagtugma-tugma ang mga utak nila.
Etong sa congreso, 288 ang pumirma at mayron din namang process na sarili ang house of representatives, pero mali daw sabi ng depensa at dapat daw pakialaman ng supreme court.
Kahit ano pang sabihin nyo, opinyon nyo lang din yang disisyon nyo, hindi yan nanggaling sa langit. At ngayong nabubulatlat ang baho nyo, kaduda-duda na din ang opinyon nyo. Dapat sa inyo supreme court, wag na munang maki-alam at ang sarili nyong kasama ang naka-salang. Sana man lang, binigyan nyo ng halaga ang katutuhanan keysa ipagtanggol ang isang batas na alam nyo ay mali.
Anyway, kahit ano pang TRO ang gawin nyo, alam na ng bayan ang $700,000 na laman ng dollar account ni Corona, parang kayo na lang yata ang hindi alam, iba ba ang sinabi sa inyo ng pinuno nyo.
scatterbrains
in long line of sc decisions, phils and abroad, public interest is paramount over individual rights, even rights conferred under the law. the strict bank secrecy laws should be suject to the impeachment process provided for in the consti because it concerns the greater good. corona's rights under banking laws should be subjugated to the need to find out if he is fit to hold the position of cj, which is undeniably of supreme public interest.
Huwag matakot yong malilinis di ba Bernas at Dean Aquino
Alam ko naman kampi si Bernas at Dean Aquino kay GMA. Parang asawa yata ni Luli Arroyo yong nephew ni Bernas na nabasa ko sa isang nag comment.Wala namang problema sa batas dahil pwede namang buksan yang Dollar account kung may pahintulot yong depositor. Ang may problema si Corona, sabi nya malinis ang konsensya nya, bakit ayaw nyang payagang makita ang mga dolyares nya. TRO daw sabi ng SC para masunod ang rule of law o takot lang ang mga ito dahil may mga dollar account din ang mga justices na ito? Kasi kung di ka magnanakaw at ang pamilya mo ay di tumatanggap ng lagay, buksan man nila yan di ka matatakot. Ang tanong bakit takot ang mga justice na to at isinasangkalang ang batas na kesyo confidential? Kung malilinis kayo di naman kailangan i invoke ang batas na yan. Malamang puro kulimbat ang mga takot.
Expert Kunu
Puede ba! parang sinabi nang mga expertong ito na mas mataas ang SC sa Senado. Sinu ba ang binoto ng mga tao diba ang nasa senado!!. Eh yang mga nasa SC appointed lang yan ng executive. Saka nasa batas naman na in case of impeachment pwede buksan ang account at kahit non peso account pa yan